CHAPTER 9
Kai’s POV
Sana matapos na ang audition na’to. Ang sakit na ng pwet ko sa kakaupo. Para malaman niyo kami yung judge para sa audition ng Theatre Club. Ahheemmm. Hindi lang kase kami gwapo talented pa. Magaling kumanta,sumayaw at marami pang iba. Hay naku! Bored na ako dito so far out of 25 na nakaperform eh lima pa lang ‘yung masasabing pasado na.
“Kai” Sehun
“Ano?”
“Tignan mo ‘yung babaeng kanina pa nagsasayaw parang timang” bulong sakin ni Sehun
Tinignan ko naman ‘yung babaeng sumasayaw, parang timang nga. Yung sayaw niya ewan.
“Tumahimik ka nga dyan Sehun iba yung napapansin mo eh” mahina kong sagot sa kanya
*APPLAUSE*
Sa wakas tapos na siya.
“Next is De Guzman, Krystal” pag aannounce ni Suho
Teka Krystal?? Napaupo ako ng maayos. May lumabas na babae mula sa gilid ng stage. Syet! Siya nga! Ba’t ang ganda niya? Sigurado ako hindi niya alam na kami ang judge sa audition na’to. Tumingin naman siya sa mga audience parang may hinahanap. (A/N: Krystal during the audition ===>)
Shoot! Yung dalawa niyang kaibigan. Hahaha! May dala pang banner. Supportive.
“So Krystal right?” pangunguna ko. Tumingin siya sa’kin.
O___O
HAHAHAHA!! I know ang gwapo ko.
“A—aahhh O-opoo”
“So anong inihanda mo para sa’min ngayon?” Baekhyun
“Ka-kakanta po”
“Sige magsimula ka na at good luck” sabi na lang ni Suho
*Krystal singing*
Ang ganda pala ng boses niya tulad sa kanya ang ganda rin. Syet!
Kalimutan niyo na lang yung sinabi ko.
*APPLAUSE*
“Ang galing mo namang kumanta!” Chanyeol *derp*
“Sige pwede ka nang umalis. Next!” D.O.
“Teka!!” may pakulo pa ako para sa kanya. Halata namang nagulat ang lahat lalo na siya sa bigla kong pagsalita, kanina pa ako nananahimik dito.
“Teka sandali, may gusto lang sana akong itanong sayo..”
Krystal’s POV
“Teka sandali, may gusto lang sana akong itanong sayo..” Ano naman kaya ang iniisip nito. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa unahan at tumingin sa kanya.
“Maswerte ka dahil sa dinami-dami ng nag-audition ay ikaw ang naisipan kong tanungin.”
“A-ano po yun?”
“Kapag nasagot mo yung tanong ko sayo malaki ang chance mo na makapasa sa audition na’to at maging isa sa’min.”
“Ano po yung itatanong niyo sakin?”
“What is the reason why you audition?” hala! Patay ako neto!
“Kung sasagot ka dapat in English. Wrong pronunciation I may consider but wrong grammar is wrong.” Ilibing niyo na ako! Tumingin ako kina Sofia at Pauleen. May sinasabi sila pero di ko maintindihan. Naku ‘tong Kai nato!!
“Hey Krystal!. We don’t have all day!”
Natawa yung audience.
“Anu namang pakulo yan Kai” Baekhyun
“Hayaan mo na nga lang siya Baekhyun” Chanyeol
“Ano na ? What is your answer?”Kai
“Umm…” anong gagawin ko bobo pa naman ako, Lord tulungan niyo ako ayaw kong mapahiya ditto please.
Teka si Andrei yun ah..umm may hawak na papel at may nakasulat…
“The reason why I audition is because singing is my passion and I want to cultivate it by joining this club.” Hindi ko namalayan na nabigkas ko pala ng malakas at sa mic pa talaga ‘yan tuloy narinig ng lahat..
*APPLAUSE* O____O
Pagkatapos nagpalakpakan yung mga tao iba nga nag standing ovation pa.
“OMG! Bobo girl is no longer that bobo we think she is!”
“Pahingi ng number mo Krystal!”
“AAAHHHHH!!! Crush na kita!”.
“Okay nice answer, Pwede ka ng umalis. Next!” Kai
*AFTER AUDITION*
“Congrats Krystal ang galing mo kanina!” salubong sa akin ni Pauleen
“Taray mo teh! Saan mo nakuha ang mga words of wisdom mo kanina?“ Sofia
At ayon kwinento ko sa kanila ang lahat na nangyari at laking pasasalamat nila sa ginawa ni Andrei. Nagyaya pa nga silang dalawa na kumain sa labas.
“Sige ba!..May alam akong lugar masarap ang mga pagkain dun” Andrei
“Ayos!..libre namin ni Sofia” Pauleen
“Oh ikaw Krystal dapat kasama ka!” Sofia
“Go ako diyan! Sino ba naman ako para aayaw sa libre?”
Na akmang aalis na kami ay may biglang humigit ng kamay ko.
“Hihiramin ko muna siya” Paalam ni Kai sa mga kaibigan ko sabay kaladkad sa akin.
Nang makalayo-layo na kami pilit kong makawala sa kanya. Pero hindi ko kaya sobrang lakas niya kaya walang choice kundi kinagat ko nalang ang kamay niyang kung makahawak wagas.
“Arghh! Ano bang problema mo?” Kai
“At ako pa ngayon ang may problema?..Ikaw nga tong biglang nanghila…A-at saan mo ba ako balak dalhin?”
“Wag ng maraming satsat!..sumama ka na lang kung gusto mong makapasok sa Theatre Club!.” Kai sabay smirk
To be continue…