23: MESS

4.5K 130 4
                                    

Nagulat ako nang umangkas siya sa likuran ng aking motor. Nang-aasar ba siya? Narinig ko pa siyang nagmakaawa. May gustong pumatay sa kanya? Pinagloloko ba ako nito?

"Mr. Whoever, umalis ka dito or else, sisigaw ako," madiin kong sabi. Nakakabwisit ang tadhana kung maglaro. Kung kailan gusto ko nang makalimot, saka magpapakita? Letsugas naman oh!

"Please!" pagmamakaawa niya. Sarap ipalapa sa kumukulong tubig? Kumakain ba ang kumukulong tubig? Ah whatever! Sana sa messenger na lang siya mangulit. Ayoko 'pag ganito siya kalapit.

"I promise, I'll just want to escape. Please," I sighed. Konsensya ko pa kung totoo ang sinasabi niya kaya agad-agad kong pinaharurot ang motor na dahilan upang kumapit siya sa bewang ko. Narinig ko pa siyang nagmura. Sana nahulog na lang siya. Hindi sa akin, kundi sa lupa!

"Bitaw! Humawak ka sa may likuran. 'Wag sa 'kin"

"Fine."

"Ikaw pa ang galit, ikaw na nga itong ginagawan ng pabor."

"I'm sorry." Aba! Marunong mag-sorry. Ano kaya kung malaman niyang ako ang nagpapadala ng mensahe sa kanya sa messenger?

"Saan kita ihahatid?"

"Heaven." He chuckled.

"Gusto mong makipagkaibigan sa kalsada?"

Narinig ko pa siyang tumawa. "Just kidding. Just drop me at Graven Memorial Park."

"Ipapalibing mo na sarili mo?" biro ko.

"I'll visit my twin." Nahimigan ko ang lungkot sa kanyang boses.

"Okay."

Binilisan ko tuloy ang pagmamaneho.

****

"Thanks for the ride," he said smiling genuinely. "Sorry if I lied. I just want to be with you."

Oo, nagsinungaling siya. Akala ko totoong may humahabol sa kanya pero nagpaliwanag siya kaninang malapit na kami na may kotse siyang dala. Hinayupak talaga!

"May magagawa pa ba ako? Sana huli na 'tong pagkikita natin. Naaalibadbaran ako sa mukha mo."

"Awww. You're so mean."

"Para kang bakla. Mas malala kaya ang pinagsasabi mo sa akin." Sa messenger, gusto kong ituloy pero never.

"What? I didn't say anything bad."

"Basta ito na sana ang huli na makikita ko 'yang pagmumukha mo."

"I don't like that wish."

"I don't care."

He smirked. Jerk!

Tinalikuran ko na siya pero narinig ko pa siyang nagsalita.

"No matter how fast or far you ran, the world isn't big enough for you to hide. I can always find you. I always will."

Tumakbo ako papunta sa aking motor at agad itong pinaharurot para maibsan ang pamimintig ng puso ko. Damn you Enger!




(by:hiddenheartless)

MESS-ENGER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon