86:MESS

3.9K 98 9
                                    

SIX MONTHS LATER......

"May ico-cover ka ngayon?"

"Wala na. Pero may ipapagawa na naman. Ang ganda-ganda ko pero kung utusan nila ako parang yaya. Bwisit!"

"Alam mo kasi Iya, hindi biro ang natapos natin. Hindi naman kasi madali. Lalo na sayo, nakuha ka na sa showbiz balita. May patutunguhan din pala ang pagka-adik mo sa social media 'noh?" natatawang saad ni Jena.

"Talkshit ang mga ibang artista! Peke! Leche!"

"Relax, two months ka palang naman diba? Kaya mo 'yan. Kaya mo rin namang maging plastic," biro niya.

"Buti ka pa, kumuha ka ulit ng units para makapagturo ng media arts. Sana sumama na lang ako."

She frowned. "Adik ka. Pinag-usapan na natin 'to. Ilang taon na tayo lagi ang magkasama, ayaw mo bang mag-iba?"

Napasimangot ako saka nilantakan ang pritong manok sa pinggan ko. Magkasama kami ngayon sa isang restaurant. Katatapos ng duty niya. Ako naman, naghahanap ng scoop.

It's been four months since we graduated pero two months pa lang kami sa trabaho. I still have trainings to attend before being regular. Ako ang pumapalit sa showbiz reporter kapag absent siya. Pero ang nakakainis, ako ang laging kumukuha ng scoop pero siya ang nagbe-benefit. Badtrip.

"Gusto kitang kasama lagi e."

"Sus! Loner ka kasi. Mag-relax ka naman. "

"Maaalala ko lang siya kapag wala akong ginagawa."

Napasapo siya sa kanyang noo. "Jusko! Ang tagal na n'un. Hindi ka pa rin naka-move on?"

I shook my head. Simula noong last conversation namin, nawala na siya na parang bula. Pumunta ako sa apartment niya pero umalis na daw. Pumunta ako sa school nila, pero nag-advance exams na daw siya at umalis.

"Iya naman. Ni hindi nga naging kayo e."

"Fine. Sige na,bilisan mo. Ako na mamaya ang susunod," pag-iiba ko ng topic.

"Tsk! Nagiging workaholic ka na. Bitawan mo na ang pagiging dj."

Pinadilatan ko siya. "Alam mong stress reliever ko 'yun diba? Besides, masaya ako kahit one month palang. Wala namang nakakakilala sa 'kin. Remember? Part time lang ito. Aalis din ako pag na-permanent ako sa Tv reporting."

She sighed. "Bahala ka. Kinukuha kang model pero ayaw mo."

"Duh, ayoko. Ayokong rumampa, hindi ko forte 'yun. Minahal naman na ako ng aking taga-pakinig e."

"Oh siya sige na. 6:30 pm na. 7pm ang airing mo."

"Tapos na akong kumain. Kita na lang tayo ulit bukas. Dinner lang naman kasi tayo nagkikita e."

"Okay. Take care bes," she said and smiled.

Ako na ang unang tumayo. May gagawin pa kasi siya. "Bye Jena. Tell my hello to your mom." She nodded. Tumalikod na ako at umalis.

"This is my life now. I need to live without him," I exclaimed to myself.

*******

"Magandang gabi mga suki! Sing-ganda ng inyong mga ngiti! This is 14.3 love radio. Ang tambayan ng mga sawi. Tayo'y magsama-sama sa isa na namang heartbreaking na gabi. Ang inyong lingkod, Dj Mask, ang dj na maganda, walang halong bola. Sa malamlam na gabi, inyong makakasama!" masayang saad ko.

Isa akong love adviser, dalawang oras akong naka-on air. Noong una akong sumabak, pumatok na agad ang segment ko. Dumami ang love requesters, 'yun ang tawag sa mga tumatawag at nagpapa-advice. Masaya ako sa ginagawa ko. Hindi naman kasi sobrang istrikto nila mom and dad.

MESS-ENGER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon