102:MESS

3.5K 78 2
                                    

"Why are you going there?" tanong niya.

"Basta, hindi ko alam. Naroon si Kuya. Umiiyak ang kaibigan kong tumatawag. Hindi ko kayang may mangyaring masama sa Kuya ko," sambit ko. Hot tears are rolling down my cheeks. Pilit ko iyong pinupunasan.

"Nakausap na namin ang mga pulis. Sinabi naming may trauma pa si Iya kaya hindi siya makakausap ng matino. We can go home now,"  Merwin said na hindi makatingin sa akin.

"Salamat talaga sainyo. Pero kailangan kong pumunta sa Cris Bar," he said. Medyo ok na ang pakiramdam ko. Nakita ko ring isinasakay na ang lalaking baliw sa police car.

"Paano ang motor mo?" Merwin asked.

"Just call Tito's driver. I'm sure they are home. It's Saturday,"  Enger said. "Kukunin na lang ni Mess doon," he added.

"Sige na. Tara na sa pupuntahan mo. Para matapos na," saad nung Merwin at dumeretso na sa driver's seat. Parang biglang nagbago ang mood niya.

I smiled. "Salamat talaga," I said to them.

Ngumiti silang lahat sa akin, maliban doon sa lalaking pumasok na sa driver's seat, saka ako inalalayan ni Enger na umupo sa likod.

"Where are you comfortable? Infront or here?"

"Okay na ako dito sa likod," I said shyly. Ngayon ko lang na-realize na puro lalaki pala ang katabi ko. Sandaling katahimikan ang namayani pero binasag iyon nung Justin.

"Messiah or Iya? What do you want us to call you?"

I smiled. "Iya na lang."

"Why did you used motorcycle anyway? That's dangerous," Vaugn commented. I recognize them all already.

"Mas sanay akong si Infinity gamit ko tuwing may emergency. Nag-aalala na kasi talaga ako kay Kuya," I said.

Nakita ko ang mumunting ngiti sa mga labi nila.

"Infinity huh," Shiloah said smiling. Tiningnan ko siya. He's one of the most appealing in the group.

"Yeah. I just can't think of any name," I said and he nodded.

"Pwedeng pakibilisan?" I said.

"Demanding," Merwin whispered pero narinig naman namin. Kanina binibigay ko 'yung address, sabi niya alam na daw nito.

Naalala kong siya pala 'yung lalaking kaskasero. Siya talaga ang pinag-drive. Feeling ko talaga hindi kami magkakasundo.

"Marunong ka palang magtagalog?" I asked politely.

"Yeah," tipid niyang sagot. Kanina hindi siya ganyan. Hindi ko na lang pinansin. Si Enger naman, nakita kong may tinatype sa cellphone. Hanggang sa nag-vibrate ang phone ko.

ENGER: I'm outcast.

Message niya. Napangiti ako. Magkatabi lang kami pero nagcha-chat.

MESS: Then talk. Thanks ulit.

Reply ko hanggang sa naramdaman namin ang mabilis na pagmamaneho ni Merwin. Nakarating kami agad doon.

Sumiklab na naman ang kaba sa dibdib ko. Bakit nandito si Kuya?

Bumaba ako ng van. "Salamat sa paghatid dito," saad ko saka naglakad papasok. Nakita kong sumunod ang lahat. Binalingan ko sila.

"Why are you still here?"

"We'll accompany you. You're still a girl," Enger said. Hindi ko na lang pinansin. Ang iniisip ko lang ay puro si kuya.

Hinarangan pa ako ng guard dahil mukha raw akong teenager pero buti dala ko 'yung I.D ko. Pinapasok ako hanggang nakarating ako sa medyo gilid. Malapit sa mga v.i.p rooms. Maingay ang paligid pero sophisticated tingnan. Hindi siya 'yung cheap. Para itong high-end party.

MESS-ENGER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon