081 + meanie

2.6K 138 195
                                    





special — sixth

Mingyu is beyond happy.

Ilang occasions na ang nagdaan, finally magkakasama na rin sila sa kauna-unahang pagkakataon. It's Christmas to boot.

He couldn't be any happier than this. It's obvious though. Sa isang oras niyang pagayos ng buhok niya sa salamin, sa paulit ulit na pagcheck sa damit niya at sa sapatos, halatang halata na na excited siya. Can't blame him. Ang tagal niya atang hinintay ang araw na 'to.

He smiled at his reflection in the mirror. "Ang gwapo mo? Naks."

He started to do posing. "You're a handsome boy. Hindi na nakapagtataka na magustuhan ka ng marami."

Ngumiti pa siya ng pagkalaki-laki. "Kaya nga nahulog din siya sayo diba? Ahihihi."

Pagkatapos niyang puriin ng ilang beses ang sarili niya sa salamin, naisipan na rin niyang umalis. Actually, makikipagkita dapat sila kina Soonyoung at Seokmin ngayon. Kaso balak niyang hindi siputin ang dalawa dahil nga gusto niyang masolo ang date niya ngayon.

Upon thinking that word date, a creepy wide smile already creeped its way on his face.

"Oppa!"

Lumingon siya sa kapatid niyang si Mira ng tawagin siya nito. He walked towards his sister and hugged her after. "Merry Christmas."

Niyakap din nito siya pabalik. "Merry Christmas oppa. Sa'n ka pupunta?" Humiwalay ito at tinignan nito ang suot niya, mula ulo hanggang pa. "Makikipagdate ka ba?"

Mingyu smiled widely at her. "Ano sa tingin mo?"

"At kanino naman?"

Mingyu was already walking at the door. Nakasunod pa rin si Mira sa kanya, halata rin na curious kung sino ba ang date niya ngayon. Ito kasi ang unang pasko na hindi pamilya niya ang kasama. "Mingyu oppa! Sabihin mo na!"

"Ssh. Makikilala mo rin in the near future." Actually, matagal mo na ngang kilala e. He just gave his sister a frown. "Huwag kang makikipagdate ngayon! Hintayin mo sina Mama at Papa. Gets?"

Mira frowned too but smiled anyway. "Gets."

Hinalikan niya muna sa noo ang kapatid bago siya tuluyang lumabas ng bahay. He let out a sigh first to block all the unnecessary thoughts off his mind before he went inside a taxi with a fresh smile.

My love! Here I come!

-

Well shit, hindi talaga sumasangayon ang araw na 'to sa kanya. Imbis na thirty minutes early siya (na plano talaga niya), naging thirty minutes late pa dahil sa traffic. Nang makarating siya sa park kung saan sila magkikita, mabilis na lumabas siya ng taxi at nagbayad. Lakad takbo siya papunta sa mismong spot kung saan sila magkikita.

Sana wala pa siya!

It was their first time spending christmas together after all. Niready niya ang lahat. Kailangan siya ang mauna sa date dahil siya ang top. He hastily stopped on his tracks though when he saw four girls hovering his man.

Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa kanila. Well he failed. Mas nauna si Wonwoo sa kanya kaya minus points sa kagwapuhan niya yun. At dahil thirty minutes siyang late, hindi niya alam kung ilang minuto na bang naghihintay si Wonwoo sa kanya. Tapos may apat na babae pang kung makadikit dito para bang available pa ang nilalandi nila.

Mingyu began to swim in jealousy but decided to walk towards them. Wonwoo looked like he's having fun at talking to them too that made him even more jealous.

seventeen complexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon