SEOLHYUN
Nandito na naman sya. Ugh. Kailan ba nya ba ko titigilan? Lagi nalang nakabuntot. Lagi nalang ako kinukulit. Nakakabwisit na. This is the third time, yes, babastedin ko sya ulit.
"Uy Seol, ayan na naman sya oh. Si Jiwon. Omg may dalang flowers! Tulips pa yung favorite mo." Tawag sakin ni Jinny habang palabas kami ng school gate.
Nakangiti sya, his eyes are only looking at me. Para bang ako lang ang nakikita nya habang papalapit sya sakin.
"Hi Seolhyun. Kamusta araw mo? Ito nga pala, flowers for you." Inabot nya sakin yung bouquet kaso nagdadalawang isip ako na tanggapin. Baka umasa— "Sige na tanggapin mo na, I won't think na magkakaron ako ng chance kahit tanggapin mo to."
I rolled my eyes but syempre yung hindi sya nakatingin sakin, I covered my face using the bouquet saka ako umirap. Mahirap na, baka pag di ko tinanggap baka magpakamatay na to.
"Seol, una na kami ni Shannon ah? May kasama ka na pauwi eh." Kinikilig na panunukso sakin ni Jinny. Aish!!! Mga loka 'to, iwan daw ba ko kay Jiwon?!??
Nakangiti si Jiwon habang nakatingin sakin, parehas na kaming palabas ng campus. Aish. Pano ko ba 'to tatakasan ngayon?!
"Saan mo gusto kumain? Gusto mo Vikings tayo—"
"Jiwon hindi ako matakaw."
"Uhm Starbucks?"
"Di ako mahilig sa kape."
"J-jollibee or Mcdo—"
"Di ako gutom Jiwon. Uuwi na ko salamat sa bulaklak."
I was about to walk pero bigla nya kong hinawakan sa wrist ko. Natigilan ako.
"Pwede bang ihatid kita sa inyo? Mukhang uulan eh, tignan mo dumidilim na." Oo dumidilim parang pagdating mo dito, dumilim paningin ko. Pero syempre di ko sinabi sa kanya yun. May choice pa ba ko? Syempre wala.
Tinanguan ko sya, then he smiled back at me. Excited nyang binuksan ang passenger's seat para sakin. Gusto ko sanang sa back seat umupo kase I feel uncomfortable pag katabi sya pero pagbibigyan ko 'to ngayon.
"Thank you."
Nagmadali syang pumunta sa kabilang side para pumasok since biglang umambon. Medyo nabasa sya pero di naman siguro sya magkakasakit sa pagkabasa na yun.
"Sure ka bang wala kang gustong kainin? Hindi kase ako nakapagdala ng pack lunch para sayo ngayon, sorry ah."
Bat ba sya ganyan ka-effort kahit na ilang beses ko sya bastedin?
"Jiwon di mo na kelangan mag-effort sakin ng ganito. Hindi mo ako girlfriend, hindi mo narin naman ako nililigawan since ilang beses na kita nabasted."
Malamig kong sabi sa kanya. I heard him sigh. Ilang beses ko na syang pinagsabihan about sa panliligaw nya. Wala syang makukuhang sagot sakin.
I can't love him back.
Yes you heard it right, he said he loves me. Ramdam ko yun, he's been courting me for 3 years. From first year college up to now na third year na ko. I don't know what's with me, I just really don't like him.
Nagdrive na sya ng tahimik.
Much better.
Mas mabuti nang ganito para marealize nyang wala syang pag-asa sakin. Wala as in never.
After 40 minutes drive nakarating narin kami sa bahay. Sa tapat ng bahay namin mismo.
*beep beep*
Shit. Bat pa sya nagbusina?! Alam nila mama at papa na sa kotse nya nanggaling yung busina.
Hmp. Nagpapasikat na naman 'to.
Boto sila mama at papa kay Jiwon. Pursigido sila na magkatuluyan kami. E di sana sila nalang ako, baka sakaling sagutin nila 'tong lalaking 'to.
Nakita ko na lumabas nga si mama. Siguro nasa loob si papa.
I was about to go out but pinigilan nya ko, sabi nya sya na daw. Lumabas sya sa kotse at binuksan yung pinto sa side ko. He offered me his hand but I pretended I didn't saw it.
Diretso ako kay mama para magbless at saka pumasok sa loob.
"Oh Jiwon salamat sa paghatid sa anak ko. Halika tuloy ka." Napatigil ako sa sinabi ni mama. Ano ba naman yan!!!
"Hindi na po tita, m-may gagawin pa po ako sa bahay. Salamat nalang po."
Salamat naman at marunong syang makiramdam. Panatag akong dumiretso sa kwarto ko at nagkulong. Paniguradong gagambalain ako ni mama if di ko nilock pinto ng kwarto ko.
What a tiring day!
Kinuha ko yung phone ko sa bag, may two text message.
From: Jiwon
Thank you for letting me take you home. Sa uulitin :)))From: Jiwon
Don't forget to eat your meals okay? Take care Seolhyun😘Ew?
Bakit may kiss emoji pa? Jusko. I feel shiver through my spine. I can't even imagine myself kissing him.
Later on may nagpop na message from kakaotalk.
From: Jinny
How's your date with fafa Jiwon?!😍😍😍Date? Never.
I replied and said "Its not a freaking date."
Laughing sticker ang nareceive kong reply from Jinny. Bwisit. Matutulog na nga lang ako para mawala tong badvibes ko.
Si Jiwon may kasalanan nito eh!
Ang ganda naman ng paligid. Punong-puno ng flowers. Ano to? Garden with full of tulips and various kinds of flowers? Ang ganda sobra! Can I just stay here? I love flowers a lot.
"Nagustuhan mo ba Seolhyun?"
Napatingin ako sa nagsalita. He's smiling at him and I smile back. I rush towards him and hug him as tight as I can.
"Of course! I love it. Thank you so much Jiwon. Thank you."
"Anything for you my love..this will remain as my memory. You see that?" Tinignan ko kung san sya nakaturo..
'Garden of Seol'
I nodded and hug him again.
Sobrang saya ko. The way he hug me I feel so secured. He cup my cheeks and plant a soft kiss on my lips.
We are kissing and surrounded by all these beautiful flowers.
"I love you so much Kim Seolhyun. Always and forever." He said in between our kisses.
"I love you so much too Kim Jiwon."
While I'm hugging him, nakaramdam ako ng unti-unti syang nagffade hanggang sa nawala sya.
Ako nalang mag-isa dito.
Nasaan sya?!
Bigla akong nagising. Sweats are all over my forehead. I can hear how my heart beats faster. What happened? Bakit ako nanaginip na kasama ko si Jiwon? What does it mean?
BINABASA MO ANG
Remorse [iKON Series #1 - Bobby] COMPLETED
Fanfiction"You never know what you have until you lose it, and once you lost it, you can never get it back." Totoo nga naman ang mga katagang ito, hindi mo malalaman ang totoong halaga ng isang bagay hangga't hindi ito nawawala sayo. You take advantage of peo...