SEOLHYUN
3 days after nung pag-confront at yung sorry sakin ni Jiwon plus yung hiniling nya sakin, hindi parin sya nagpapakita.
Sobra akong naninibago. Sa tuwing nakakarinig ako ng busina, puro galing yun sa kotse ni Hanbin. Okay naman na kami ni Hanbin. He knew about what Jiwon did but hindi na sya nagreact dun and he said tapos na naman yun at wala syang magagawa pa.
I know Hanbin is a good guy. I know he wont hurt anyone if hindi naman sya involve sa isang issue.
"Seol malapit na vacation! Ready ka na ba?" Masayang sabi sakin ni Shannon.
"Oo naman no. Hanbin said ipapakilala nya daw ako sa mom and dongsaeng nya. Excited na kinakabahan ako!"
Yes! Nagulat nga ako sa sinabi sakin ni Hanbin na yun. Wala pa kaming one year pero ipapakilala nya na agad ako sa mommy nya. Kaya super kabado ako sa araw na yun!
"Wow. Mukhang seryoso nga sayo si Hanbin." Jinny added.
Its true. I dont even think na totoo yung sinabi ni Jiwon na katawan ko lang ang habol ni Hanbin sakin.
"I wonder if strict ang mommy ng boyfie mo? Tapos pagkapasok mo palang sa loob ng bahay nila may sampal na agad sa mukha mo." Baliw talaga tong si Shannon. Ang over ng reaction!
"Bruha. So gusto mo ganun ang gawin sakin?" I raised my brow.
"Syempre joke lang baliw pero best and swerte mo huh. Diba dati crush mo lang si Hanbin tapos ngayon ipapakilala ka na sa mommy nya." Kinikilig na sagot nya. Lakas ng sapak!
"Oo nga eh. I think swerte na ko sa ganito." I think I love Hanbin each day na nakakasama ko sya. Unti-unti na yata akong nahuhulog sa kanya.
I'm sorry Tokki, I can't promise na sayo lang ako maiinlove.
"Buti ka pa may stable love life na. Ako wala parin." Angal naman ni Jinny.
"Oo nga! Talo ka pa ng pinsan mong mas bata sayo! Si Suhyun diba? Bagay sila nung boyfiend nya, pandak." Natawa ako sa biro ni Shannon. Nakita ko na once ang cousin ni Jinny. Madalas kasing wala yun sa bahay nila kase daw laging nakalingkis sa boyfriend nya.
"Hayaan mo na magbbreak din yung dalawang yun." Humalakhak si Shannon dahil sa sinagot sa kanya ni Jinny. If I know may crush tong si Jinny, hindi nya lang sinasabi samin.
"Bitter!"
Dumiretso kaming tatlo sa favorite naming cafe. Dun na kami kumain ng snack, may last subject pa kasi kami. Nakakatamad na pumasok pero kailangan magsumikap.
Ang bilis din ng panahon, December 15 na agad. 10 days nalang pasko na! Pero before christmas may lagi akong sine-celebrate noon.
Birthday ni Tokki.
Nakakalungkot. Until now hindi ko parin sya nakikita. Nasan na kaya sya ngayon? I hope he's doing fine at sana sa oras na magkita kami hindi nya parin ako nakakalimutan.
Yung feelings nya kaya for me, nagbago narin kaya?
"Uy Seol hello? Ano nganga? Tinatanong ka ni Jinny ano gusto mong kainin. Bilis ngayon lang manlilibre tong bitter— aray!"
BINABASA MO ANG
Remorse [iKON Series #1 - Bobby] COMPLETED
Fanfiction"You never know what you have until you lose it, and once you lost it, you can never get it back." Totoo nga naman ang mga katagang ito, hindi mo malalaman ang totoong halaga ng isang bagay hangga't hindi ito nawawala sayo. You take advantage of peo...