Ken ✔

22.9K 373 35
                                    

(yummy Kendall on the side hihi)


Cleo's POV

(POKESA ACADEMY GATE)

Nagtsu-tsunami walk ako papuntang classroom nang bigla akong kabahan. Oh gosh! Women's intuition ito! Sana nama'y hindi masamang kind of kaba ito.

Pangalawang araw pa lang ng klase eh pagod na pagod na ako. Buhay Grade 9 eh. Pero hindi naman ako magiging ganito ka-stress kung pumasok yung mga baklita kong bestfriends kahapon. Umextend ang mga bakla ng bakasyon kaya tuloy may pag-forever alone ang peg ko yesterday.

Sa edad na 15, hindi ko maintindihan kung bakit pang-grade 5 pa rin ang height ko. Nakakainis. Hindi ko manlang masusundan ang yapak ni Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach. 

Pero oh well, aanhin ang tangkad kung wala namang ganda diba? Mas okay na ako rito, pretty and cute.

Ako pala si Rupert Cleo Chen. Half-Filipino, Half-Chinese. Maganda, Maputi, chinitA, and well papel, ala-minion ang height. Charot! Hindi naman pala, mga 5'3" naman ako. (mababa pa rin yata yun eh)

I'm gay, with all the rainbows and unicorns circling round the corner. And I'm proud of it. Bakit mo naman kasi ikakahiya kung alam mong summoned ka naman talagang maging part ng kapatiran ng mga dyosa? Binabalewala mo na ang tunay na tibok ng puso mo, pinapahirapan mo pa ang isip at damdamin mo.

Kaya naman nang maamin ko na talaga sa sarili kong ganito ako, I immediately went to my parents and asked for their acceptance, which fortunately, walang nangyaring kung ano mang trahedyang mala-wattpad sa pagmumukha ng dalaginding na tulad ko. They accepted me whole-heartedly, siguro dahil wala silang anak na babae at ako ang bunso sa apat na magkakapatid. And wala naman na kasi silang choice, I am what I am. This is real. This is me. I'm exa---

Anyway..

Love life? Hay naku! Wala. Lahat ng mag-attempt manligaw ay inayawan ko. Choosy? Hindi, mas pinapahalagahan ko kasi muna yung pag-aaral, sabi nina Mommy, I can have a boyfriend pero dapat ma-balance ko ang ang lahat ng aspects of life ko, studies, family, etc. At dahil nahihirapan akong gawin yun, eh di wag na lang.

Pero pano kaya kung meron nang magpatibok ng puso ko? Kaya ko bang kayanin para sa kanya?

Habang busy akong mag-isip, may biglang bumatok sa ulo ko.

"Aray! Puki ka ng nanay mo!" Bigla kong nasabi at sabay-sabay na nagtawanan ang mga salarin.

Napabuntung hininga na lamang ako at isa-isa silang bineso. Sila sina Kim, Klei, at Yhannie. Sila ang mga bestfriends ko since Grade 7, lahat kami ay miyembro ng kapatiran ng mga dyosa, pero kami naman yung mga baklang matututunan mong irespeto imbes na laitin dahil mababait kaming lahat. May mga topak nga lang kami minsan.

"Why did you do that? 'Di niyo kinaganda 'yon!" 

"Ang lalim kasi ng iniisip mo beks eh, baka kako mahulog ka sa sobrang lalim." ani Kim na ngiting-ngiti pa sakin. Impakta talaga.

Si Kim, ang amazona ng grupo, kahit kasi wala naman kaming ginagawang masama, meron at meron pa ring mga taong makikitid talaga ang utak at nang-mamaliit pa rin, pero no worries kami diyan, dahil kapag nagsimula nang dumakdak ng si Kim, nganga silang lahat. PERO, meron rin akong kinakairitahan sa baklang to, at yun ay ang kanyang addition sa twitter. Lahat na lang ng momento sa buhay niya ay kailangan niyang i-tweet. Yung parang ganito: "Ang ganda ko talaga! #pretty". Minsan nga'y pinagsabihan ko na tigil-tigilan ang kakatwitter dahil puro na lang siya hashtag, pero ayun, nag-pout lang at nag-MMK na. Hayyyy... Sakit sa ulo si bakla!

"Bakit ngayon lang kayo?! You left me all alone kahapon." Pagdadrama ko with matching fake tears.

"Sabi kasi ni Yhannie wag na munang pumasok eh." Tipid na sagot ni Klei na ikinakunot ng noo ko. 

Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon