Cleo's POV
(POKESA ACADEMY ROOM 9314)
Kalagitnaan ng aming first period. Actually, lutang ako ngayon dahil sa pa- MINE MINE na nalalaman ng lalakeng katabi ko ngayon.
Siyempre'y hiyawan at kung ano-anong version ng "KILIG MUCH" ang naririnig ko mula sa mga kaklase ko especially the boys. Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya dahil alam kong joke lang yun.
Boys shouldn't be trusted with all of the things they're saying, especially promises. Hugot queen here!
Dakdak pa rin nang dakdak si Mrs. Jaundice ng something about Conjugation of Verbs. Ako naman ay kanina pa banas na banas sa kinalalagyan ko.
Bakit?
Kasi naman! Kanina pa ako pino-poke sa braso ng bwiset na Kendall na to! ANG KULIT KULIT!!! Hindi ko nga alam kung bakit to sakin pinatabi ni Ma'am eh, kung maka-asar lang eh noh?
"Pssst... pssst.." pagsitsit nito sakin habang pino-poke ang braso ko.
"Ano ba? Makinig ka nga kay Ma'am Juntis este Jaundice! Nasa Present Perfect Tense na yung sinusulat ko eh ikaw ni pangalan yata sa filler mo wala." paanas na bulong ko rito dahil baka mapansin kami ni Ma'am. Ayokong second day pa lang ay may warning status na. Hindi ko ito hinarap, imbes ay iningusan ko pa. Hihihihi ganda lang eh
"Hoy Mine.. psst... huy.." wala pa rin siyang tigil sa pagbother sa diyosa niyo. At may pag-Mine talaga ah. Feelingero rin 'to eh.
"Anong Mine? Tigilan mo nga ako! Pektusan ko lungs mo diyan eh." Paanas ko ulit na bulong pero may halo nang iritasyon habang nakatagilid pa rin patalikod sa kanya. Konti na lang at makakaltukan ko na to.
"Pag hindi ka humarap hahalikan kita sa pisngi." Pagbabanta nito pero akes? Waley commentarium pa rin, bahala siya diyan. Hindi na ako takot sa mga ganyang banta, hindi naman nangyayari. Tagal nga eh! LOL jk hindi ako malandi pramis
"Ayaw mo talaga ha? Tingnan mo mamaya Mine." At tumigil na rin ito sa pangungulit. See? D? E? F? G? HAHAHAHAHA K. See? Hindi naman nangyayare diba? Mga kabulastugan talaga ng boyzzzzzzz...
Mga lalake talaga, walang ibang alam kung hindi mangako nang mangako ng mga bagay na hindi naman nila tutuparin. Hugot Queen yas.
I fully focused my attention again to Ma'am at eksakto namang tinawag ako nito para sa isang recitation. YAY!
"MISS Cleo, please give an example for third person singular present empathic verb in a sentence." Isa pang MISS, Ma'am Jaundice at ipapalapa ko kayo nitong si Kendall sa mga baklang pating!
Pero dahil mabait ako (kunyari), agad akong tumayo at hindi na pinansin ang pang-aasar ni Ma'am, kasira lang siya ng ganda, well, sila ni Kendall.
"The girl does look good today." Confident kong sagot. Sana tama. TT_TT
MOMENT OF TRUTH...
*DRUMROLL*
-__________-
Kinakabahan ako sa mukha ni Ma'am, baka mali ako, sayang yung confidence na inexert ko HUHUHUHU! No more Pia Wurtzbach moment for me!
At nabuhayan ulit ako nang loob nang biglang ngumiti si Ma'am and there! "Correct!" Maligalig na sabi niya.
Palakpakan naman ang lahat, syempre'y pakaway-kaway pa ako with matching flying kisses, yung parang Ms. Universe.
"Taray beks pwede nang pang Ms. Antartica. WAHAHAHAHA" Banat ni Yhannie na nakapagtaas ng kilay ko. Lecheng babaklitang to basag trip! Tawanan naman ulit ang iba pa, at alam niyo ba? Pati si Ma'am Jaundice, hayun, kanina pa nakikitawa sa amin, at hindi manlang kami sinaway diba? Knowing it's an English Class at sige kami sa vernacular words. Hahaha
BINABASA MO ANG
Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)
Teen FictionCONTINUED yay Revenge is what Cleo considers fit for all the crap that his ex-boyfriend, Kendall made him suffer. But he would not go all cliché on the type of payback that he brewed inside his brain. Although he kept denying it, he knew deep inside...