28: CONVICTIONS

4.6K 111 21
                                    

Chapter 28

Ken’s POV

“Kendall Ryan naman eh. How many times do I have to tell you that nothing’s going to change kahit pa magmukmok ka rito nang ilang taon sa kwarto mo? Grow up young man! Hindi porke’t lagi akong nandito eh habambuhay na akong nasa tabi mo. Magkaka-asawa rin ako, magkaka-anak, and I can’t afford to be happy and at ease kung nakikita kitang nagkakaganyan. I do not mean to sound harsh pero wala na kayong pag-asa pang dalawa. Just.. just eat please and go to school. Maraming babae at binabae sa mundo na maaari mong balingan ng pansin so don’t waste your time moping for someone who’s already contented with his life.” Pagkatapos ng mahabang litanya ni Ate Daphne ay agad siyang lumabas ng kwarto ko. Ilang araw na siyang nagtatalak at kahit paulit-ulit na lang ang mga sinasabi niya ay palagi pa ring tumatatak sa isip ko ang sinabi niyang wala na kaming pag-asa ni Cleo.

Hindi ko naman talaga ginawa yung sinabi ni Cleo na mag-move on sa kanya at maging masaya dahil aside sa hindi ko kaya, mahirap kalimutan yung katulad niya. He’s my greatest love, and it hurts so much dahil parang nabalewala lang yung pagpupursige kong magpagaling para mabalikan siya. I felt like I don’t have any purpose in life anymore. Dapat siguro mamatay na lang ako.

Mula sa pagkakaupo ay bumalik ako ng higa sa kama at nagkasya sa pag-iisip ng masasayang ala-ala namin ng Yoyo ko. Mukha mang matigas masyado ang ulo ko ay hindi niyo naman siguro ako masisisi kung hindi madali para sa akin ang magtatatlong taon ko nang feelings sa kanya.

*tok tok tok*

“Sino yan?” Bored kong tanong, hoping that it isn’t Ate Daph again.

Wala akong narinig na sagot kundi ay ang patuloy na pagkatok. ‘Di ko na maiwasang mainis kasi alam kong hindi si Ate Daph ang kumakatok, dahil kung siya nga yan ay malamang sa malamang eh nagtatalak na ‘yun ngayon. Habang kamot kamot ang ulo sa sobrang inis ay bumalikwas ako ng bangon at tinatamad na binuksan ang pinto, only to be stupefied by the person staring at me right now.

“Y-yoyo k-ko?” I can’t help but stutter. The one and only topic I’m accustomed of thinking over and over is here in front of me.

I noticed how he stared at me from head to toe, para niya akong ine-xray na ewan. I just let him be hanggang sa mukhang makuntento na siya sa pagsipat sakin at nagulat na lang ako dahil I saw the hint of worry on his beautiful face.

“Kendall! Kumakain ka manlang ba?” Tanong niya sakin, and based on the look on his face, which he uses a lot when we’re still in a relationship, it always tells me not to lie.

Dahan-dahan akong napayuko at napailing na lang. Sa mga ganitong eksena eh naaalala ko yung mga panahong nag-aaway kami dahil sa mga maliliit na bagay. It was bittersweet, yet I’ll pay all my life for us to get back to those moments again.

Narinig ko ang pagbuntung-hininga ni Cleo at ‘di na ako nakamaang pa nang bigla ako nitong hatakin pababa ng hagdan. Imbes na patuloy na magulat ay mas pinagtuunan ko ang mga daliri niyang nakapulupot sa palm ko. Hindi ko maiwasang mangiti nang lihim. Hindi naman siguro bawal na kiligin diba? Kinikilig din kaming mga lalake. Hindi nga lang as prominent as girls.

Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon