Feelings ✔

9K 176 19
                                    

Randell's POV

PE time. Iritang-irita ako kasi kitang-kita at rinig na rinig ko kung pano maglandian sina Cleo at yung panget na si Jace. Naisip ko kasing tabihan sana si Cleo at kausapin about sa kung anong event niya sa Intrams kaya lang eh mukhang hindi niya ako napansin dahil nga sa pagdating ni Jace. Medyo lumayo ako pero rinig ko pa rin ang usapan nila.

Ako na yung tsismoso. TSISMOSONG GWAPO!

Hindi ko alam kung anong nakita niya kay Jace eh hamak naman na MAS MAS MAS MAS MAS GWAPO ako dun! Ayun nga't nakatitig sakin sa may ibayong bleacher si Pamela at mukhang maglalaway na. Maganda naman siya, sexy, ma-appeal, kaya lang masyadong showy at napakalandi, parang yung kalandian ni Cleo 20% lang ng kanya. Kaya naman kapag nilalandi niya ako ay tamang landi rin lang ako kasi I know na mga babaeng tulad niya eh hindi nagseseryoso sa isang relasyon.

"Ah.. Eh.. Musta na?" Sabi nung panget at tumabi sa kabilang side ni Cleo. Kung mangumusta naman parang galing si Cleo sa abroad. Sarap kutusan!

"Ahhhh ayos lang naman hihihi" –Cleo

-___________-  Ang landi ng boses tsk. Tapos ayan nagpapacute pa!

"Hahaha ang cute mo talaga Cleo!" Tuwang-tuwa naman tong Jace na to at ginawa pa talagang aso si Cleo, ginulo ba naman ang buhok!

Dun na ako nagdesisyong magparinig.

"Ang lalanding nilalang. Tss." Medyo nilakasan ko ang boses ko at bahagya akong napangiti nang makita kong napatingin sila sakin at mukhang inis ang dalawa. Buti nga XD

"Eh ano namang pakelam mong bruho ka?" At talagang hindi nag-deny!! Pinanindigan ang pagiging malandi! At saka ano raw? Ako? Bruho?

"Wag na wag mo kong tatawaging bruho dahil sa gwapo kong 'to, naglalaway sakin si Pamela." Sabay turo kay Pamela na talaga namang naglalaway na sa kagwapuhan ko. #PogiProblems hayyyyy

 Nakita ko naman ang distaste ni Cleo sa babae, naiintidihan ko naman yun kasi madalas siyang inaaway nito at ng dalawa pa nitong alipores na sina Victoria at Krystal. Mabuti na lang talaga't may napakapoging tagapagligtas siya (Si Ako) kundi baka di na siya cute ngayon.

Parang nung isang araw lang....

#FLASHBACK (Alangan namang flashfront bakit si Alice ka ba ng Twilight para makita ang future?) (^_^)v

 

Last period. Inip na inip na ako't kating-kati na 'kong makaalis ng classroom at magliwaliw sa kung saan pwede. Wala rin dito ang pikuning panget na si Cleo para may maasar ako. Ayokong umuwi ng bahay, makikita ko na naman siya. Asar!

Which reminds me, bakit nga kaya galit na galit sa kanya ang malditang si Cleo? Ano kayang pinag-awayan nila?

Academics? Hindi naman siguro.

"Mr. Foyer."

Babae? Ampucha imposible baka masuka pa si Cleo nun.

WOAH!

Posible kayang.....?

"Mr. Foyer!"

Shet. Pwede.

May posibilidad na alam ko na kung anong nangyari sa kanilang dalawa, hindi nga lang ako sigurado kung tama ang hinala kong pwede siyang magmahal sa isang bakla. Wala naman kasi akong pakialam sa lovelife niya lalo na't magkalayo kami, ako sa US siya dito sa Pilipinas. Wala rin kaming komunikasyon dahil arr.. basta!

Di kaya, naging mag-on ang dalawa at nang maghiwalay ay hindi nagkaroon ng proper closure?

"MR. RANDELL KIER FOYER!!!!"

Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon