Moment ✔

9.1K 210 21
                                    

Cleo's POV

Kasalukuyan akong nagsusuklay ng aking napakahabang buhok (charot) sa harapan ng salamin nang biglang tumunog ang aking mahiwagang phone. Nang tingnan ko kung sino ang caller ay agad ko itong sinagot, matagal-tagal na rin mula ng huli naming pag-uusap ni Kuya Xavier.

"Yeoboseyo Oppa (Hello Kuya)! Musta na kayo diyan?" Masaya kong bungad pagkapindot na pagkapindot ko ng answer button. Nakakamiss na kaya sila! Bihira na lang nga kasi ako makapunta ng bahay because of my busy sched (artista ang peg!).

"We're okay here baby princess. Ikaw nga ang dapat na kinukumusta ni Oppa eh, naka-ready na ba ang mga gamit mo? May pasok ka ngayon diba? Nag-breakfast ka ba?" ani niya.

"Oppa isa isa lang kalma hahaha I'm ready to go na and I took my breakfast na rin." natatawa kong sagot sa mga tanong niya. "Nandyan pa ba sina Kuya Carl and Kuya Dovid?" ani ko

"Well buti naman hahaha yun bang dalawa mo pang kulugong kuya? Ewan ko baka na----" pagsagot ni Kuya Xavier ngunit naputol ito nang

"Hi baby princess!! Punta ka dito maya miss ka na namin eh! Sige ka pag di ka pumunta dito wala na akong magandang kapatid." sigurado akong si Kuya Carl ang nagsasalita dahil nai-imagine ko pa ang pag-nguso nito na para namang makikita ko HAHAHA

"Oo nga baby princess pagluluto kita ng paborito mong Champorado mamaya." Napangiti naman ako nang buong tamis dahil kahit ang tahimik kong kuyang si Kuya Dovid eh kinakausap ako sa phone. Suplado kasi yang si Kuya pero alam ko love ako niyan Hihihi

"OO NA OO NA MGA KUYA ALIS NA SI BABY PRINCESS PUNTA KO DIYAN MAMAYA HONESTO PRAMIS MWA! BYEEEE!!" I ended the call with a smile still evident on my lips. Binaba ko na ang phone kasi male-late na ako and mag-aabang pa ako ng jeep.

Nakikinita ko na kung gano na naman kainis yun si Kuya Xavier kasi hindi niya na ako nakausap pa dahil kina Kuya Carl at Kuya Dovid. Triplets sila pero iba-iba masyado ng ugali. Si Kuya Xavier ang pinakapanganay at tinatawag ko siyang Oppa kasi trip ko lang HAHA sunod naman si Kuya Dovid na serious type kuno pero sobrang caring. And ang pangatlo ay si Kuya Carl na sa pagka-isip bata eh mukha pa akong mas matanda kesa sa kanya.

I can't wait to see them later... ^_^

Pagbaba ko ng building habang binabasa ang librong binigay sakin ni Kim nung Christmas ay parang na-weirduhan ako sa paligid. Parang meron na namang tumititig sa mala-dyosa kong ganda. Ewan ko ba! Araw-araw na ginawa ng Diyos kapag nasa labas ako ng building na 'to ay parang laging may nakamasid sakin, so weird!

Baka may multo? Shet! Sana gwapo!! (^____^)V Charot haha

I just brushed off the feeling and waited for a jeepney to come by. Sa ganda ng binabasa kong libro ay di naman ako na-bored. Ganda talagang magsulat ng boyxboy novels ni David Levithan, the one I'm actually reading right now is Boy Meets Boy, a love story against society and teenage dramas.

Malapit na akong ugatin sa kakahintay nang malipat ang tingin ko mula sa nagdaraanang sasakyan tungo sa isang kotse na lagi kong nakikitang nakapark sa harap ng building kapag umaga. Tinted ang salamin nito't hindi ko alam kung may sakay ito sa mga oras na ito. Sana lang hindi ito isa doon sa mga sasakyang nangunguha ng bata! Mukha pa naman akong Grade 5 dahil sa height ko.

*TSUP*

O____O

(=*_*=)

Gulat na gulat ako nang biglang may humalik sa pisngi ko. Agad kong tiningnan kung sino ang gumawa niyon at ganun na lang ang pagtataka ko nang makitang si Randell pala ito. Hindi ko na rin maiwasang mamula dahil sa ginawa niya kaya't iniwas ako ang aking tingin.

Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon