29: FRAYTENING KOL

4.7K 108 19
                                    

Chapter 29

 

Cleo’s POV

“The champion for scrabble boys is Rupert Cleo Chen of Team C!!!” Rinig na rinig ko ang ugong ng mga palakpakan at sigawan habang pataas ako ng stage. A triumphant yet humble smile was printed on my face. All the tedious practices became so worth it.

Buong pasasalamat kong kinuha sa aming principal ang trophy bago ako sinabitan ng medalya at kinamayan. Nang muli akong tumingin sa harap ay ginalugad ng aking mga mata ang pulutong ng mga estudyante ng Saint Charles ang lalakeng nagpapatibok ng aking puso to the highest level. Syempre alam naman na ninyo kung sino diba?

Ayun nga, nakita ko sa may left wing ng gymnasium ang aking pinakamamahal na si Ram, he was als wearing an MVP medal and he was mouthing a ‘Congratulations and I love you’ that I answered with my sweetest smile. Sa tabi niya ay nandun ang aking bestfriends na kasama ang kani-kanila ring mga boylet. Bale ganito yung seating arrangement, si Ram, Kuya Dovid, Kim, Yhannie, Karr, Rome and Klei.

Speaking of, di ko alam kung paano nama-manage ni Kuya Dovid ang pagiging president’s lister at pagiging isang faithful boyfriend sa talanding si Kim. Jusko ang hilig pa naman ng baklang yan na maglakwatsa at shini-share sakin nito kung gaano siya kasaya dahil hindi pumapayag si Kuya na aalis siyang hindi ito kasama. Ngayon nga eh magkatabi ang dalawa at inakbayan pa ni Kuya si Kim at ngumiti silang dalawa sa akin.

Hanggang sa pagbaba ko ay sa kanila pa rin ako nakatingin, kay Yhannie na walang kaalam-alam na nagtagumpay na pala siya sa plano niyang paibigin ang pusong bato na si Karr. Ewan ko ba sa lalakeng yan, ‘di ba niya alam na halatang may gusto rin siya sa bestfriend ko? Akala ba niya magaling siyang magtago ng feelings sa pamamagitan ng poker face niya?

Pero sabagay, mukhang effective naman ang poker face niya eh. Lalo na kay Yhannie na naga-akalang hanggang ngayon ay out of reach pa rin si cold guy. Pero sa amin nina Kim at Klei, na-feel na namin ang romansang nagaganap sa pagitan ng dalawa na ngayo’y sikretong nagtitinginan, yung tipong pag tumingin si Yhannie ay aaktong nakatingin sa malayo si Karr, at pagtumingin na sa ibang direksyon si Yhannie ay si Karr naman ang tititig. Ah ewan!

Sa tabi ng dalawa ay mukhang may cold war sa pagitan ng aming silent gossiper at kanyang manliligaw. Base sa tsismis sa akin kanina ni Yhannie bago magsimula ang program, si manliligaw raw ay nakita si silent gossiper na may kausap na ibang lalake. At ang ikinagulat pa ni manliligaw ay biglang niyakap ni ibang lalake si silent gossiper. Pagkatapos nun---

Shet. Mahirap pala talaga pag-walang ‘noun’ hahahaha okay sige palitan na natin. Si manliligaw nga ay si Rome at ang silent gossiper ay si Klei, ewan ko kung sino yang si ‘ibang lalake’. By the way, yun nga, humiwalay sandali si unknown man at akmang hahalikan si Klei nang ‘di na nakatiis si Rome at umeksena na ito.

Then the rest is history.

Charot! Di ko na nalaman yung sunod dahil na-feel yata ni Klei na pinag-uusapan namin siya at unfortunately ay tinitigan niya kami nang masamang-masama, yung tipong nagsasabing ‘Talk more and you’re dead’ ampeg kaya tumahimik na nga si Yhannie, at syempre eh nabitin din yung kwento.

Back to reality, umupo na ako sa tabi ni Ram na mula pag-akyat ko ng stage hanggang sa pagbalik ko ay nakangiti pa rin sa akin nang matamis. Hindi ko alam kung ano na naman ang nahithit ng ulupong.

“Bakit ngiting-ngiti ka yata ngayon Labs?” taka kong tanong sa kanya.

“Wala naman Labs, may request lang sana ako eh.” Nakangiti pa ring tugon nito and this time eh nagpapacute pa. Leche :”(

“Wag mo ‘kong daanin sa mga pa-cute mo. Anong request ba yan?”

“KISS!” at ngumuso pa ito na nakapagpahigikhik sakin. At dahil gusto ko siyang mainis, hinayaan ko lang siyang ganoon at pinagpatuloy ang panonood ng awarding hanggang sa…

Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon