Cleo’s POV
What to do? What to do? Eotteokkhae? T^T
Iwas na iwas pa rin ang tingin ko sa direksyon ni Ram. Baka kasi hindi ko kayanin ang kung anumang makikita ko kung tatagalan ko ito ng titig. Saka ano raw yung sinabi niya? Kapal ng karakas eh!
“A-asa ka! M-malamig dre baka gusto mong magsuot ng t-shirt?” Pa-ismid kong parinig sa kanya nang talikuran ko siya at naglakad pabalik sa tent. Mukhang mas safe na nag-stay na lang ako dun kanina. -_______-
“Hep hep Labs!! Saan ka pupunta?!” Rinig kong pagtawag niya sa akin ngunit hindi ko pa rin siya hinarap. Imbes..
“Magluto ka na ng almusal natin.” I demanded at agad na pumasok sa tent bago ko maidagdag ang ‘bago pa yang mga pandesal mo ang makain ko.’
Hindi naman na niya ako ginambala pa kaya’t naglaro na lang ako ng Flappy Bird. Pesteng ibon to mas malaki pa ang bunganga kesa sa buong katawan. Sino naman ang hindi palaging mahuhulog face first kung mas mabigat pa ang bibig kesa sa pakpak? Hayyyy ka-stress pero wala na ‘kong pakialam sa features ng pastilang ibon dahil ang ikinakalungkot ko ay sa loob ng isang buwang paglalaro (intently and seriously), ang High Score ko pa rin ay tumataginting na 3.
Oo 3. Masaya na ba kayo? Magdiwang kayo kung nakakuha kayo ng 4 and above dahil lagi yang nasa 11:11 wishes ko! XD
Maya-maya lang ay nasamyo ko na ang sarap ng niluluto ng hot kong boyfriend(charut) sa labas. Hmmmmm!!
Dahil yata sa sobrang amazement kagabi, hindi ko masyadong nakain yung hinanda niya, kaya naman ngayon eh nag-iingay na ang mga alaga ko sa tiyan. I peeked at the window of the tent to look at what he is cooking.
O_O
Bakit kailangang nakaharap pa ang hubad niyang upper body dito sa bintana? Bakit siya pinagpapawisan? Bakit ang hot niya? Bakit ganun?
Kasalukuyan siyang nagpapaypay ng something sa ginawa niya lang na ‘kalan’ and habang ginagawa niya yun ay tumatagaktak ang pawis mula sa mukha niya pababa sa leeg, sa toned chest niya, sa mga pandesal niya AND SO ON.
Nawili na yata ako sa kakatitig sa katawan niya nang biglang napatingin ito sa’kin. Nakita ko siyang nangisi at parang gusto ko nang mabaon sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan.
Okay nevermind. Binalik ko na lamang ang tingin ko sa pesteng ibon and then tried my best to gain at least 4 points. Makalipas ang ilang minute ay sumuko na lamang ako dahil baka maya-maya lang ay matapon ko na tong cellphone ko sa inis. Nakapagtataka, ang tagal naman yatang magluto ni mokong.
Dahil nga sa gutom at willingness to see a hot body (landi!), lumabas na ako ulit ng tent. And as I did, nakita kong naghahanda na siya sa lamesang pinagkainan namin kagabi. I’m really impressed by his effort. Masyado niya akong pinahahalagahan and it I know how it’ll hurt him if he already found out the truth. Hay.. Am I really this bad?
But okay, this is not the time to discuss this.
BINABASA MO ANG
Seducing My Ex-Boyfriend's Twin (boyxboy) (CONTINUED: READ THE CHECKED MARKS)
Teen FictionCONTINUED yay Revenge is what Cleo considers fit for all the crap that his ex-boyfriend, Kendall made him suffer. But he would not go all cliché on the type of payback that he brewed inside his brain. Although he kept denying it, he knew deep inside...