Chapter 23

2.5K 63 66
                                    



Thomas' POV

"Daddy pwede po ba na mamasayal tayo nina Tom tomorrow?" tanong sakin ni Tam habang nakahiga sa kama kasama si Tom. Narito ako sa kwarto nilang dalawa dahil gusto daw nila ako makatabi na matulog, asa kanan ko si Tam habang nasa kaliwa ko naman si Tom


"Oo nga po daddy please please pasyal tayo bukas " pagsegunda rin ni Tom at niyakap ako


"San naman tayo pupunta bukas? Di pa ba kayo sawa mamasyal? Every after class niyong dalawa namamasyal tayo. Saturday bukas pero ayaw niyo man lang ba magpahinga?" sagot ko naman at niyakap silang dalawa


"NO!" sabay nilang pagtutol sa mga sinabi ko


"Eh di ba nga po sabi niyo quality time tayong tatlo, Tres Torres diba? 3 T! " pangungumbinsi ni Tam sakin


Natatawa na lang talaga ako sa dalawang to, 1 week ng nasa akin si Tam. Nasa Australia kasi sina Ara at Tigs para sa honeymoon nila. Masasabi kong close na close tong dalawang anak ko, nung una hindi maiiwasan ang ilangan most especially dahil sa mga nangyari before pero sabi nga nila lahat naman ng sugat pwedeng maghilom at gumaling.


Natutuwa din ako sa mga inembento nilang codes namin, tres torres dahil tatlo kaming Torres, 3 T's dahil pare parehas kami na T ang umpisa ng pangalan Thomas, Tam at Tom. Ang cocorny ng naiisip ng mga anak ko pero anong magagawa natin nagmana lang talaga siguro sila sakin "like father like son" ika nga nila.


" Sige na please payag na dad ah, di ka pwede humindi samin ni Tam, diba Tam?" saad ni Tom at nakipag apir pa kay Tam


" Eh pano pag nag no ako? " pagbibiro kong sabi sa kanila ng bigla ay nagtinginan silang dalawa na para bang nag uusap sila gamit ang mga utak nila.


Magsasalita na sana ako ulit ng daganan ako ng dalawang batang to, ang bigat para akong dinaganan ng isang sakong bigas. Although si Tom lang naman talaga ang medyo chubby at si Tam naman eh tama lang ang bigat para sa edad niya, still pag pinagsama mabigat parin!


" Hangga't di ka umoo daddy di kami aalis dito!" pagbabanta ni Tom saba'y kiliti pa sakin


At ayun na nga pinagtulungan na nila akong kilitiin, ang kukulit! Attack of the minions lang ang peg!


" Fine oo na tama na, mamasyal tayo bukas " pagsuko ko at taas ng kamay


"Yehey!" pagbubunyi ng dalawa kong anak


" Tulog na para maaga tayo bukas " sambit ko't binigyan silang dalawa ng halik sa noo


Humiga na ulit silang dalawa ng maayos dito sa tabi ko, tumagilid sila at niyakap ako sa bewang


" Good night daddy, we love you po " sabay nilang sabi at pumikit na


" Good night boys mahal ko din kayo, sobra " tugon ko sa kanila at pumikit narin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Want her back, but how? ( BBM Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon