chapter 9

4.5K 100 27
                                    

Dedicate po itong chapter na to kay @feiann. sana po di ka na badtrip and enjoy po :)

Thomas' POV

Nandito ako ngayon sa harap ng Kara's habang pinagmamasadan si Tigs at Tam, isang linggo na akong di nagpapakita sa kanila, pero for sure masaya sila. Sa nakita at nakikita ko ngayon sa tingin ko nga si Ara at Tigs na,

nakita ko kung gano sila kasweet sa isa't isa, kung gano nag eenjoy si tam at ara kapag nandyan si tigs. at kung gano kamahal ng anak ko ang tinatawag niyang papa tito.

naiinggit ako kay tigs, nakakasama, nayayakap, at napaparamdam niya kung gano niya kamahal si tam, and maging si ara. tama talaga sinabi niya noon sakin, dapat pinahalagahan ko kung anong meron ako, sana di ko sinayang, sana ako na lang si tigs, sana sinunod ko ang sabi niya.

pinagmamasdan ko lang si tigs at tam, maya maya pa ay lumabas na si ara tumabi siya kay tigs at inakbayan ito habang si tam ay tumayo sa harapan nina tigs at ara. pagkatapos ay tila nagde declaim ito, si tigs at ara naman ay tuwang tuwa habang pinapanood si tam. pagkatapos ni tam ay pumalakpak si ara at tigs tapos nun ay niyakap sila ni tam at hinalikan sila ni tam sa pisngi.

ang saya nila, para silang masayang pamilya.tama nga siguro ang iniisip ko, sa tingin ko sila na. si tam na lang ang pwede kong bawiin, si ara wala na. tumulo nanaman bigla ang luha ko, ang sakit talaga, ang sakit makita na nasa piling ng iba ang anak ko at ang babaeng mahal ko. sobrang sakit.

napatigil ako sa pag iyak ng marinig kong tumunog ang phone ko, agad ko itong kinuha at sinagot.

Ara's POV

nandito kami ni tam at tigs sa harap ng Kara's. dapat ko na talagang maka usap si thomas, naisip ko rin naman wala akong karapatan para ipagkait si tam sa kanya, kahit naman madami siyang ginawang kasalanan sakin maging kay tam. siya parin ang ama ni tam, at kung wala siya eh di wala din si tam sakin.

" mom nagugutom ako " sabi ni tam na nasa harapan namin ni tigs

" eh di pasok ka dun sa loob, sabihin mo na lang kay ate isay mo if anong gusto mo tapos lulutuin niya " sabi ko kay tam, si isay ang chef dito sa Kara's

Want her back, but how? ( BBM Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon