chapter 18

4.1K 94 15
                                    

Thomas' POV

 Narito na ko ngayon sa bahay nina ara mukhang narito narin si tigs, agad na kong nag doorbell at maya maya pa ay may nagbukas na ng gate, si ara.

" good morning " pagbati ko

" morning din, lika pasok ka nagbibihis pa kasi si tam eh " saad niya

" ahh hindi na, dito ko na lang sila hintayin " tugon ko naman

" sigurado ka? " tanong niya

" siguradong sigurado, dito na lang ako " tugon ko sabay ngiti, ngumiti na lang din siya pagkatapos ay naglakad na pabalik sa bahay

hindi naman sa choosy ako o ano, ayoko lang kasing makita sila na magkakasama. yung tipong parang di ka nag eexist sa sobrang saya nila, sa kakulitan, sa harutan, yung mga bagay na nararanasan ni tigs pag kasama si ara at tam na sana ako nakakaranas, na sana ako ang makaranas pero hindi na. hay buhay nga naman parang life hayy...

" thomas " pagtawag na nag pabalik sa huwisyo ko

" hmmm " tangi kong nasabi

" ready na si tam, palabas na yun " saad niya

" ah okay, " tangi kong sagot, maya maya pa ay nakita ko na si tam habang karga karga siya ni tigs

" hi  tam, good morning " pagbati ko sa anak ko, ngunit hindi ito nagsalita

" tam, what will you say? " saad ni ara sabay tingin dito na tila nagsasabi na batiin mo siya

" good morning din, PO " sabi nito na halatang labag sa loob niya

" oh sige na, alis na kayo para di kayo magabihan sa pamamasyal " sabi ni ara

" oo nga, halina kayo " pagsang ayon naman ni tigs

" let's go, kotse ko na gamitin natin " saad ko

" no, ayoko. gusto ko sa car ni papa tito " pagtutol ni tam

" pero tam, makisakay na tayo sa kotse ng daddy mo kasi treat niya to tapos matitipid pa ko sa gasolina " pabirong sabi naman ni tigs

" hindi okay na sige dun na tayo sa kotse mo tigs, ako na lang magbabayad sa mako consume ng kotse mong gasolina " saad ko

" sigurado ka? " tanong ni tigs, tuango na lang ako bilang pagsang ayon

" ohh sige kotse ko na, " sabi ni tigs,

" o sige na, babush na ah tam be a good boy okay? i love you " sabi ni ara sabay kiss sa cheeks ni tam

" okay po mom, i love you too po " tugon ni tam

Want her back, but how? ( BBM Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon