chapter 5

5.4K 101 20
                                    

Thomas' POV

 Pagkatapos akong tawagan ni mama ay nagmadali na akong pumunta sa bahay, di ko nanaman maintindihan yung nararamdaman ko, sana maka usap ko si Tam, sana naman pakinggan niya ako. Maya maya pa ay nakarating narin ako, sinalubong ako agad ni mama

" ma, nasan na po si tam? " agad kong tanong

" nandun sa dati mong kwarto, nakatulog na eh napagod sa kakalaro " tugon ni mama

" ganun po ba? sige po puntahan ko muna " saad ko

" o sige, mag dahan dahan ka nga lang baka magising " sabi ni mama at ngumiti, ngumiti rin ako bilang tugon at umakyat na papunta sa kwarto.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko agad si tam na mahimbing na natutulog sa kama, dahan dahan akong lumapit at tumabi sa kanya. hinawakan ko ang kamay niya gamit ang kaliwa kong kamay, naiiyak nanaman ako. dinampian ko siya ng halik sa noo kasabay nun ay ang pagpatak ng luha sa  mga mata ko,

Limang buwan ako naghintay para mahawakan ko siya ulit para makapiling siya kahit sandali lang. kahit ganito lang na tulog siya sobrang masaya na ko, masasabi ko rin na sa limang buwan na di ko siya nakita ay may nagbago kay tam. tumangkad ito, at medyo tumaba siguro kain to ng kain kung san sila nanggaling.

" sobrang namiss ka ni daddy, alam mo ba walang araw na di ka naisip ni daddy. araw araw iniisip ko kung kumain kana ba, kung okay lang ba kayo ng mommy mo, kung galit ka pa ba sakin? ;( " saad ko habang hinahaplos ang buhok niya gamit ang kanang kamay ko

" son, i know i've been a stupid father to you but hayaan mo si dad na makabawi, sana pag gising mo hayaan mo kong magpaliwanag, sana pakinggan mo si daddy, marami akong kasalanan alam kong di na mababago at mababawi yun pero sana soon mapatawad mo si dad " saad ko habang patuloy sa pag iyak

" you know what tam, nung wala ka dito pinanood ko lahat ng videos mo na kinunan ng mommy mo since nung baby kapa pati narin mga videos mo sa activities sa school and so on, and i just want to say kahit alam kong di mo ko naririnig dahil tulog ka, na I'm so proud of you son, your the best gift i have ever received but i was stupid enough to just regret you, I'm the ever stupid, sucker, idiot father in the whole universe. I'm so sorry son," saad ko at muli siyang hinalikan sa noo pero this time mas matagal, baka kasi matagal bago ko ulit magawa to eh ;(

Want her back, but how? ( BBM Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon