chapter 8

4.9K 97 17
                                    

Ara's POV

Isang linggo na ang nakakaraan ng naganap yung pangyayari sa bahay nina mama jane, simula din nun hindi na nagpakita ni nagparamdam si thomas, mukhang natauhan na ata.

nandito ako ngayon sa Kara's, actually kasama ko si tam, tigs at daks, medyo may inaasikaso lang dito sa resto, magrerenovate kasi kami para naman gumanda ulit tong Kara's

" so talaga bang di na kayo kinukulit ni thomas? " tanong ni daks sakin habang nagcocompute if ilan ang magagastos sa renovation or should i say pala innovation kasi masa papagandahin pa to'

" oo awa ng Diyos, 1 week ng di nangungulit " sagot ko naman

" hayy naku, baka nag iipon lang kamo ng lakas ng apog at kapal ng mukha para mangulit ulit " saad ni daks,

" malay ko dun sa kumag na yun, pero wag naman na sana " tugon ko

" dapat nga kasi pag usapan niyo na custody ni tam, para tapos na lahat, diba nga kapag nakapag usapan niyo na yan eh di wala na siyang dahilan para kulitin kapa, tapos nun syempre ipaliwanag mo na lang kay tam " sabi ni daks

" yung nga po plano ko, diba maybe next next day kausapin ko na siya, kasi si tam muna papaliwanagan ko " sagot ko naman

" for sure mahaba haba yan, " sambit ni daks

" tutulungan naman ako ni tigs eh, for sure makikinig yun " saad ko

" kung sabagay, talaga nga namang nakikinig siya kay tigs. may tanong pala ako " saad ni daks

" ano naman yun? " tugon ko

" may nakwento na ba si tigs sayo about dun sa so called " mahal " niyang girl? " tanong niya with actions pa

" ah yun ba? wala pa nga eh, kinukulit ko siya pero secret daw muna basta daw makikilala din natin soon " sagot ko

Want her back, but how? ( BBM Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon