Chapter 22

2.1K 66 43
                                    


October 11, 2023

Tigs' POV

" Hey dude! This is it, congrats! " yan ang bungad sakin nina Mike na kakarating lang dito sa simbahan

" Thank you bro, I'm so happy " sagot ko habang mangiyak ngiyak na

" Ang drama mo naman tigno! " sabat naman ni Red na kanina pang nasa tabi ko

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa hanggang sa kasal ko di ako pinatawad na ibully. Pero kahit ganun alam ko na mahal ako ng mga to, at sila ung pinaka malupet na fans ng Victig :)

Pamaya maya pa ay sinabi samin ng wedding coordinator na magsisimula na, kaya pumasok na ako at ang iba pang guests sa loob ng simbahan.

After a few minutes ay isinara na nila ang pinto, kasabay nun ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

" Ayos lang yan anak " sabi ni Papa na nasa tabi ko ngayon

" Tama ang papa mo anak, easy lang " sabi naman ni Mama na nasa tabi ko rin

" Ah Opo " yan ang tangi kong naisagot sa kanila

Nagsimula ng mapuno ng musika ang simbahan, tila naging musika rin ang tunog ng mga ibon na biglang lumipad sa loob ng simbahan

Muli ay binuksan ang pinto ng simbahan at nagsimula na ang entourage. Si Kim na anak nina Mikd at Kief na isa sa mga flower girls ang nauna.

Kasama rin si Tam na siya namang ring bearer.

Hanggang sa matapos maglakad ang mga ninong at ninang.

At doon ko na nakita, si Ara. Ang buhay ko ang lahat sa akin :)

Nagsimula maglakad si Ara kasama sina tito at tita. Kasabay din nun ang pagtugtog ng kantang " You are the one "

And yes, she is the one.

Mula umpisa sya lang at wala ng iba pa.

May mga panahon na naisip kong baka hindi ko man lang maamin na mahal ko siya. Lalo ng mabuntis siya't ikasal kay Thomas.

Pero heto kami ngayon,para sakin kami ang meant to be na medyo natraffic lang dahil napadaan lang sa bako 😃

" Tigs " napabalik na ko sa huwesyo ko at nandito na sina Ara sa harap ko

" Sorry po " saad ako at nagmano kay Tito at Tita

" Baka iniisip mo na wag na ituloy tong kasal nakuu ah itatapon kita sa Mars " saad ni Tito

" Naku hindi po tito! " sagot ko sabay iling ng mariin

" Tito naman niloko pa si Tigs " sabi naman ni Tita

" Biro lang naman! Alagaan mo anak ko " tugon ni Tito sakin

" Opo, I will " sagot ko naman

Inabot ko naman na ang mga kamay ni Ara mula kay Tito or Papa na ba? Papa na nga dapat.

" Excited na ko " bigla namang sabi ni Ara habang naglalakad kami papalapit sa harap ni Father

" Para san? honeymoon?! Ikaw ah! " pagbibiro kong bulong

" Alam mo kung wala lang tayo sa harap ng pari nasapak na kita, loko to "

" Alam ko naman ehh " tugon ko

" Excited na ko para sa new begginings ko, natin " tumingin sya sakin at ngumiti na medyo maluha luha.

" Wag ka munang iiyak mamaya na lang, ako rin excited na "

" Tayo na forever? " bigla nyang tanong

" Tayo na forever." masaya kong sagot

Thomas' POV

Nandito ako ngayon sa kasal nina Ara at Tigs.

Malungkot na masaya.

Masaya dahil alam kong magiging okay sya kay Tigs. Na magiging reyna sya sa piling ni Tigs which she truly deserve

Malungkot. Dahil tuluyan ng di ko mabubuo pamilya namin.

I think there's no way on getting her back again.




THE END



Pero charot lang! Di pa to tapos 😃 sorry dahil MIA ako busy sa school and medyo tamad mode ako nung mga nakaraang weeks

And yehey! Degree holder finally! Thank you for waiting sa UD and please keep supporting

Thank you ng marami!

Want her back, but how? ( BBM Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon