chapter 14

4K 87 13
                                    

After 1 month

Ara's POV

isang buwan na ang nakalipas simula ng nagtapat at nag umpisang manligaw si tigs sakin, sa isang buwan din yun ay masasabi ko na lalo siyang naging close sakin, at mas lalo siyang napapa mahal sakin. tulad nga ng sabi ko hindi naman mahirap mahalin si tigs eh :)

isang buwan na rin simula ng parang bulang nawala si thomas, sobra na nga ring alalang alala si mama jane at papa victor. minsan din naisip namin na nakidnap siya pero wala namang tumatawag kina mama jane o maski sakin para humingi ng ransom.

sumagi din sa isip ko na baka tumalab na yung huli kong sinabi sa kanya, baka nagpaka layo layo na siya. parang nagi guilty tuloy ako kasi bakit kaylangang pati kina mama jane hindi siya magpakita diba??? ang unfair niya lang talaga

" hey ars san ba tayo magiihaw? " rinig kong tanong ni tigs, nandito kami ngayon sa bahay linggo kasi ngayon at napagpsyahan namin na mag bonding every sunday kasi namamasyal kaming tatlo, ako, si tam, at si tigs.

" malamang sa garden tayo tigs, gusto mo ba sa banyo? kaya ba dun? " pilosopo kong sagot sa kanya

" ara naman eh -_- ang pilosopo talaga oh " sagot niya sakin

" hehe peace naman na, sa garden kasi tayo hehe " tugon ko sa kanya

" pasalamat ka mahal kita " saad niya

" neknek mo, hehe sige na sa garden na tayo " saad ko at nagtungo nga kami sa garden at nag umpisa ng mag ihaw ng kakainin namin habang si tam naman ay naglalaro lang

" papa tito, papa tito " pagtawag ni tam kay tigs at lumapit samin

" oh bakit? " tanong ni tigs

" nabutas po yung bola ko " nakabusangot na sabi ni tam habang pinapakita ang bola niyang sumingaw na

" hayaan mo na, mamaya bibili tayo ng bago " tugon ni tigs

" talaga po? " nakangiting tanong ni tam

" oo naman, mamaya bibili tayo " sagot ni tigs

" yehey! ^^ " masayang saad ni tam, kinarga naman siya ni tigs

Want her back, but how? ( BBM Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon