Thomas' POV
Ng makaalis na ang sasakyan ni tigs ay agad akong lumabas sa sasakyan ko at lumapit kay ara, ang bigat ng bawat hakbang ko at sobra akong kinakabahan. ng makalapit na sa gate ay agad kong tinawag si ara dahil papasok sana ito sa bahay
" ara " saad ko, lumingon siya at tinignan lang ako
" ara, mag usap na tayo please " saad kong muli, kumunot ang noo niya tapos nun ay naglakad na papalapit sa kinaroroonan ko
" pasok ka " saad niya habang binubuksan ang gate
" oh pasok na " sabi niya ng nakabukas na ang gate, di na ko nagsalita sumunod na lang ako sa sinabi niya tapos nun ay pumasok kami sa loob ng bahay, nakakapanibago pero di niya ko tinataboy ngayon
" may gusto kaba? kape? juice? softdrinks? " tanong niya sakin ng nasa sala na kami
" hindi, wag na gusto lang talaga kitang maka usap ara " tugon ko
" mas masarap mag usap kung may iniinom diba? wait ka diyan, upo ka muna kukuha lang ako ng pagkain at inumin " sabi niya bago pa ko nakapag salita ay naglakad na ito agad papuntang kusina
well, this is really new di siya galit, very calm. ewan ko kung anong pumasok sa isip ko pero sumunod ako kay ara sa kusina, nakatalikod siya di ko na napigilan ang sarili ko't niyakap ko siya at isinubsob ko ang ulo ko sa balikat niya, kasabay nun ang pagtulo ng luha sa mga mata ko
namiss ko to :(
namiss ko na yakap ko siya, namiss ko na malapit siya sakin, lahat lahat sa kanya namiss ko
" thomas, bitaw na " mahinahon niyang sabi
" ara, ayoko please hayaan mo lang ako " tugon ko habang umiiyak
" thomas, please bitaw na, di dapat ganito " sabi niya habang inaalis ang kamay ko na nakapulupot sa kanya

BINABASA MO ANG
Want her back, but how? ( BBM Book 2 )
FanfictionGusto ni Thomas na muling mabuo ang pamilya niya, pano niya nga ba ulit mabubuo ang pamilya? O? mabubuo pa nga ba niya? lalo kung may karibal na siya? Thomas Torres vs Tigs Tigno na itey! may the best man wins sa puso ni Ara at ni Tam. BBM Book 2 vi...