(Titipa, buburahin Sequel)
Paubos na..
Paubos na ang tinta
ng pluma n'yang luma.
Hindi na n'ya kaya.
Hindi na s'ya makahinga—
gusto na n'yang magpahinga.
Ang tinuringang makata;
panandaliang mawawala,
marahil babalik ding kusa,
kung panahon na ay tama.
Kapag bumalik na ang gana;
kung mamarapatin ng tadhana,
kung makakapagsulat pa,
kung kanya pang makakaya,
kapag napalitan na—
ang pluma.
Ngunit habang wala pa—
magtatago muna sa gunita;
tatapusin sa tula,
hanggang sa makapagsimula,
ng panibagong akda,
na muling sisimulan sa isang tula.©FortressMeadow
06.05.2016
21:04
BINABASA MO ANG
Poetry Sessions.
PoetryPoetry Collection. Language: English, Tagalog Contents: English I Am Diabolic They Lied To The Ghost I Love The Most Suicide Note Frozen Revelation So Far I'm Good Pretense Gone ing This Is Not A Poem Contents: Tagalog Titipa, Buburahin Hanggang Sa...