O.

72 4 0
                                    

Inilatag mo sa aking harapan,
ang dalawang uri ng daanan.
Kamay ko ay iyong binitiwan,
pinapili; pagsusulat o pag-iibigan?

Kasiguraduha'y hindi maapuhap,
mawawala ka 'pag pinili'y pangarap.
Ngunit kasaguta'y madali kong nahanap,
sa pagpili ayaw kong magpanggap.

Ikaw ay hinalikan sa noo,
sa pisngi—sa mga labi mo.
Humihikbing nasambit ko sa 'yo:
"Paalam mahal, aalis na ako..."

"... hindi gigising ang literatura isang araw,
at papipiliin ako kung pagsusulat ba o ikaw."

©FortressMeadow
09.05.2016
10:38

Poetry Sessions.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon