Oo na, sige na, tama sila.
Kahit gaano ko naman itanggi, hinding-hindi ko maikukubli ang pagtingin ko para sa'yo.
Sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti sa iyong labi; sa tuwing naririnig ko ang boses mo sa kabilang linya ng telepono; sa tuwing nahahawakan ko ang iyong kamay, may kakaibang mahikang bumabalot sa'ting dalawa na tila ba tumitigil ang paggalaw ng oras at pag-ikot ng mundo.
Oo na, sige na, tama sila.
Kahit ano pa'ng sabihin ko, hindi ko naman talaga maipapaliwanag ang saya tuwing magkasama tayo. Naubos ko na nga yata ang mga salita sa diksyunaryo pero wala paring akmang salita na makapaglalarawan sa aking nararamdaman.
Oo na, sige na, tama sila.
Kahit ano naman ang gawin ko, wala eh. Halatang-halata na. Lahat nga sila iisa lang ang sinasabi, pwera lang sa'yo. Pero alam mo, aaminin ko, ikaw pa lang yata ang nakapagbigay sa'kin ng ganitong kasiyahan.
Oo na, sige na, tama sila.
Mahal kitang talaga. Sana hindi pa huli ang lahat para sa'ting dalawa.