Touch #4

101 2 0
                                    

Skylar's POV

Hindi namin alam gagawin naming apat, dahil sa sobrang kaba.

Nangangamba kami na baka kung anong gawin saamin ng mga nilalang na ito.

Natatakot ako, natatakot ako sa kanila.

Sino ba talaga sila ?

Bakit sila--

Nabigla na lang kami ng bigla nilang hawakan ang mga kamay namin.

 Napasinghap ako, hindi lamang dahil sa natakot ako, kundi parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang hawakan niya ako.

Ganun din kaya ang naramdaman nila Samara ?

"Tatanungin ko kayo uli, anong ginagawa niyo dito ?!"galit na sigaw ng lalaking may hawak kay Zarina ngayon.

Wala sa aming apat ang nagtangkang magsalita. Nakayuko kami at nanginginig, marahil dahil sa takot.

'Diyos ko! Sinu ba naman kasing di matatakot sa mga eto! Kung makatingin eh, kala mo papatayin ka!'

Sana makaligtas kami rito, sa kahit anong paraan !

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

Chloe's POV

Huhuhu !

Ayoko na dito ! Nakakatakot sila !

Nanginginig ako habang hawak ako ng lalaking to' !

Tulungan niyo kami please !!!

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

Zarina's POV

Di ako makagalaw sa sobrang higpit ng hawak niya. Dahil na rin sa sobrang takot ko kaya napaiyak nalang ako.

Hingang malalim

Hanggang sa...

O.O

Nararamdaman kong may kamay ng dumapo sa mga dibdib ko!

Ano to'?! Pilit akong nagpumiglas, pero malakas siya ! Maya maya pa ay nawala rin ang kamay na iyon. Kaya kumalma ng konti ang sistema ko.

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

Samara's POV

"P-please po, h-hindi po namin sinasadyang i-istorbohin kayo."nauutal na sabi ko.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko, dahil para saakin walang magagawa kung magpupumiglas ako.

"Hindi niyo ba kami kilala ?"Sabi nung lalaking may hawak kay Skylar.

"H-hindi p-po."takot na sagot naman ni Skylar sa kanya.

"King, marahil ay bago lamang sila dito kaya hindi nila tayo kilala."sabi naman nung lalaking may hawak kay Zarina.

'King ?'

Naramadaman ko nalang na humigpit ang hawak nung sinabi nilang 'KING' sa kamay ko

"P-please p-po, w-wag niyo po kaming s-saktan!"sabi ni Skylar.

'Diyos ko po ! Wag niyo po kaming pabayaan!'

Panalangin ko, sana pala hindi ko na lang pinilit na sumilip dito, edi sana wala kami sa sitwasyon na to'.

Sana pala hindi na namin pinansin at umalis na lang kami.

Sobrang nakakatakot sila.

OO! Sabihin na nating gwapo sila.

OO ! Gwapo ! as in G-W-A-P-O.

Pero iba kasi makatingin ehh.

Lalo na yung tinawag nilang 'King', na kasalukuyang mahigpit ang hawak sa mga braso ko.

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

 King's POV

"Hindi nila pwedeng malaman ito."malamig na wika ko sa mga kasama ko.

"Kelangan natin silang patahimikin."sabi naman ni Sean

"P-po ? Please wag po! Gagawin po namin lahat ng gusto niyo wag niyo lang kami saktan!"sabi naman nitong babaeng ito.

Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Sigurado ka ba ?"sabi ni Scott

"O-opo! Please po wag niyo kaming saktan!"sabi niya.

Tumango naman yung tatlo pa niyang kasama.

"Okay !"nagulat silang apat nang biglang simigaw si Scott.

'Damn!' mukhang alam ko na ang iniisip nitong g*gong to' ahh.

Pinandilatan ko siya ng mata, pero ...

"Hayaan mo na King! Alam niya ang ginagawa niya."sabi ni Jacob

Sa huli wala rin akong nagawa kundi pumayag. Habang yung apat na babae naman nagtataka kung ano ang mangyayari.

"The 4 of you will regret this."

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

Samara's POV

"The 4 of you will regret this."bulong niya sa akin at umalis na.

Kinilabutan ako.

Binitawan na rin nung mga lalaki sila Skylar.

"We will meet again. So, don't dare runaway or else."

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

A/N: Hello po ! Update na ! Thanks po sa mga nagbabasa nitong story ko!

Elle

♕ The Hell's Touch  ♕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon