yakap

919 25 3
                                    


Sabi nila, makikita mo sa mata ng tao kung ano ang nararamdaman nya. kahit pa nakangiti ang mga labi o di kaya ay tumatawa, nasa mata kung may ningning ba ito o wala, kung masaya ba sya o nagkukunwari lang.

Pero ako, mas madali kong malaman kung masaya o malungkot si Meng kung papaano nya ko yakapin.

Alam ko kaagad kapag masaya sya kapag umuuwi sya, kasi mahigpit ang yakap nya sa akin, at hindi nya ko kaagad ibinababa, kahit pa ako na mismo yung kumakawala. Niyuyugyog nya yung mukha ko, parang yung ginagawa nya dun kay Tisoy.

Kapag pagod sya, hindi nya ko niyayakap agad. Isang tapik lang sa ulo ko, o kaya kamot sa tenga, yun na yun. Susundan ko na lang sya, tapos hihiga sa may paanan nya. Sasabayan ko na lang sya ng pahinga.

Kapag malungkot sya, niyayakap pa din nya ko, pero hindi gaanong mahigpit. Nararamdaman ko na lang na parang basa na ang balahibo ko, kasi umiiyak na pala sya.

Kapag may sakit sya, niyayakap pa din nya ko, pero bigla nya kong nabibitawan kasi umaatake daw yung dinosaur. Tinatahulan ko na nga lang kung sinuman yung hayup na dinosaur na yun. Namimilipit na sa sakit si Meng, kawawa naman.

Kapag mas lalong mahigpit ang yakap nya sa kin, alam kong kasama nya si Tisoy maghapon, Yung parang gusto na nya akong pigain sa gigil at saya. ewan ba. Hindi naman mabalahibo si Tisoy tulad ko. Ang kinis-kinis nga masyado, nakakasilaw sa puti. Pero alam kong pinapasaya nya si Meng, kaya ok na lang din.

Nung minsan, isinama ako ni Meng sa trabaho nya, dun sa suguran daw. Nakakatakot ang dami ng tao! Lahat sila gustong yumakap kay Meng! Tahulan ko nga! Ito namang si Meng, parang tuwang-tuwa pa, abot-tenga ang ngiti sa mga tao, eh hinahablot na nga sya. Buti na lang dumating si Tisoy. Eh isa pa pala yun na kung sunggaban ng mga tao, pambihira! Ewan ko ba dun sa dalawa, parang nasisiyahan pa ng husto sa mga tao na sumusugod sa kanila. Gusto ko sanang tahulan at pagalitan si Tisoy kasi niyakap din niya si Meng, pero nakita ko na parang pinoprotektahan naman niya si Meng, at gustong-gusto naman nung isa yung pagyakap sa kanya, eh di sige, kayo na lang.

Kunsabagay, mas madalas naman na sila ang magkayakap. Ok na din yun. Kasi kapag sila ang magkayakap, dun ko nakikita na hindi lang hanggang labi yung ngiti ni Meng. Hanggang mata nga talaga ang saya nya.

Niyayakap din naman ako minsan ni Tisoy. Pero di ko sya type. Hindi sya mabalahibo. Buti pa si Globie. 

***

AMACON3 Prompt 1 - Describe Maine and Alden from their pet's point of view

18 August 2016


attemptsWhere stories live. Discover now