akyat

493 18 0
                                    

matagal pa ba?

konti na lang.

pagod na ko.

malapit na.

hrrrnggh. tisoy, tama na.

konti na lang meng, sige na.

teka, teka, wag mo ko iwan.

ayan na o, konti na lang.

...

wooh! ang ganda di ba?

madilim pa tisoy. anong maganda dyan?

ito naman, kaya tayo umakyat dito ng madilim pa, para masalubong natin ang sunrise.

hay naku. maupo ka nga muna. hindi ka ba napagod?

nagma-mountain climbing na ko dati pa, di ba? sanay na ko.

sus! eh hinahapo ka na din dun sa incline eh!

matagal na kasing walang practice.

anong oras na ba kasi?

uhm, 4:45am pa lang.

ha?! matagal pa tayo maghihintay para sa sunrise!

5:30 sisikat na ang araw, mabilis na lang yun.

hmp. iidlip muna ko.

wag na, baka ma-miss natin.

sisikat pa din yun kahit di natin makita.

meng naman o, wag mo ko tulugan.

...

meng?

...

meng?

...

hmmm. 10 minutes lang. pikit lang ako ng 10 minutes.

...

uhmmppfff.... hala, tisoy! tisoy! rj!

hmmm..???

maliwanag na! nakatulog tayo pareho!

huh..??? hala, alas-7 na...

sasalubungin ang sunrise ha.

inunahan mo ko ng idlip eh.

sisihin ba ako?

sorry na. inantok din naman ako. at least kasama kita. pa-morning kiss naman.

sus. inaano ka ba?

...

so, ano na?

tara, baba na tayo. 



***

AMACON3 Prompt 3 - Share the most incredible thing Maine & Alden have ever seen in the most boring tone possible

19 August 2016

attemptsWhere stories live. Discover now