'Rj, ano ba, off-shoulder nga to, bakit mo itinataas?'
'Ang daling hablutin o, pano kung biglang mahila yan paibaba?'
Automatic na kelangan kitang protektahan Menggay, tandaan mo nasa barangay tayo. Kahit pa nakayakap na ko sa yo, hindi maiiwasan na may biglang susunggab sa yo para kamayan ka, yakapin ka, halikan ka. Baka di ako makapagpigil, hahawiin ko pati mga mukha nila. Para ano pa na naging personal Rogelio mo ko?
'Aray naman Menggay, pinanggigilan mo na naman ang tenga ko!'
'Kyut-kyut o!'
Eh sa ang sarap-sarap hawakan ng tenga mo Rj! Lalo na pag nakikita kong namumula na dahil kinikilig ka. Anong magagawa ko, kinikilig na din naman ako? Tapos paghawak ko pa, medyo mainit-init na ang tenga mo, sabay pagsingkit pa ng mata mo. Hala siya!
'Hala, uy, Rj, tigilan mo pagkalikot sa likod ko, may mga tao!'
'Eeeh, gusto mo naman...'
Nakakatuwa ka kasi kapag pumipitlag ka kapag kinikiliti ko likod mo. Konting ikot ng daliri ko sa gitna ng likod mo, konting haplos paibaba, ang bilis mong kumislot. Ganun ba talaga, nakukuryente ka sa bawat haplos ko sa yo?
'Nagtatampo na pet ko, hindi mo na siya inaalagaan...'
'Aww, kawawa naman, itinatago ka kasi palagi ng skinny jeans ni Rj. Halika nga, i-pet natin si Ni-ni.'
O, kung ano na naman naisip nyo. Di ba nga, binigyan ng name ang tuhod ni Rj? Inaalagaan ko kaya si Ni-Ni, yung pet nya. Tinatapik-tapik ko palagi yun, lalo na kapag pagod na yung dalawa pagkatapos ng mga production numbers nila.
'Pak, ganern! Pak, pak, ganern, ganern! Pak, pak, pak, ganern, ganern, ganern! Rj, ano ba, tinuro ko na sa yo ilang ulit to eh!'
'Ang bilis naman kasi, nasasablay yung kamay ko!'
Hay naku, tong dalawang to. Panay ang laro, hindi tayo i-pirmi na magkahawak na lang eh.
Oo nga, as if naman wala pang nakakaalam ng tungkol sa kanilang dalawa, eh kung maglingkisan naman, wagas.
Pero baka nga kaya hindi sila ganun kapag maraming tao...
Nahihiya pa sila sa lagay na yun? Agad-agad naman ang hawak ni Rj sa yo kapag nagkikita kada araw. Ilang ulit ka pa nga kung halikan.
Hihihi, wag kang ano, nakakakilig na ha. Kaya nga minsan pinipigilan ko na si Rj, kasi kapag naglalapit na sila ni Menggay ng mukha, naku, baka ma-SPG na sila sa tanghaling-tapat.
Kung iyugyog mo nga yung mukha ni Rj eh, kaunti na lang maalog ang utak.
'Menggay?'
'Hmm?''
'Pangako, tayong dalawa lang.'
'Promise?'
'Promise!'
'Pinky swear?'
'With a heart pa.'
Yan ang pinaka-paborito kong ginagawa nila sa tin.
Oo nga, yung pagpulupot nila sa mga daliri...
Tapos iikot ng kaunti..
Para maging puso.
***
AMACon3 Prompt 13
Maine and Alden's story from the point of view of their hands.
30 August 2016