library

156 11 0
                                    

'psst!'

paglingon ni maine sa nag-psst ay biglang may tumama sa mukha nya na paper plane.


'ay, shokoy!'

naghagikgikan ang grupo ng mga lalaki na pinagmulan ng paper plane.


'SSSHHH! QUIET!'

nasinghalan tuloy sila ng librarian.


'sorry po mam'

matalim na tinitigan ni maine ang pinagmulan ng eroplano.


'siraulo kasi kayo, tol eh! di na kayo dapat nag-psst!'

pilit na nagtago sa libro si rj, habang sinisiko ang mga kaklase.


'eh di ulitin mo! kitam, nilukot lang nya yung pinalipad mo!'

bumalik sa pagbabasa si maine pero nadidinig pa din nyang nagbubulungan ang mga kaklase.


'isa pa, rj, isa pa talaga, naku, subukan mo lang..'

pumunit si rj ng papel sa notebook at muling nagsulat.


'dear maine...'

sumisilip-silip si maine kay rj, pinipigilang mangiti at kiligin dahil naiinis pa din sa nangyari kanina.


'tol, uy, san ka pupunta?'

tumayo si rj papunta kay maine.


'ah, hi maine..'

nag-angat ng tingin si maine, nakitang namumula na si rj.


'hmp. o bakit? papatamaan mo na naman ako ng eroplano?'

huminga ng malalim si rj bago nagsalita.


'sorry kanina, ang gulo kasi nina sam at je'

napatingin si maine kung saan nandoon ang mga barkada ni rj.


'sige, ok lang yun. ang gulo nyo kasi, nagalit tuloy si ms luna'

umupo sa katapat na upuan ni maine si rj.


'sorry na talaga. ahh..kasi maine...'

ibinaba na ni maine ang binabasang libro.


'ano yun, rj?'

pareho silang natahimik, inaabangan ang sasabihin.


'yayain sana kitang magmeryenda sa canteen'

tiningnan ni maine si rj, parang tinatantiya ang kaklase.


'libre ba?'

napangiti si rj sa isinagot ni maine.


'oo naman syempre! tinipid ko baon ko!'

tuluyan nang ngumiti si maine.


'tara.'

napatalon si rj.


'YES!'

'SSSHHHH! QUIET!


***

AMACon 3 Prompt 9

Maine, Alden, and their high school selves

26 August 2016

attemptsWhere stories live. Discover now