manunulat

132 5 0
                                    

Sigurado kang therapy ito? Na makakatulong na gawin natin to para lang hindi umabot sa sukdulan ang inis ko sa taong yan?


Namumula na si Maine, tanda ng abut-abot na emosyon na nararamdaman nya habang kausap si Rj. Hinawakan ni Rj ang kamay ni Maine at sinubukan na payapain ang loob nito.


Mahal, alam kong mahirap, lalo na at pareho naman nating hindi sya matagalan. Pero nabasa ko na makakatulong para hindi tayo maging marahas sa mga sasabihin natin, isulat na lang natin ang mga nakikita nating mabuti sa kanya.

Eh papano kung wala akong makitang mabuti sa kanya? Aber? Puro kasinungalingan lang naman ang nanggagaling sa kanya!

Andun na ko, Mahal, pero sige na. Ikaw mismo ang mas may karanasan sa pagsusulat, di ba? Dapat hindi maging mahirap para sa yo to.

Ang sinusulat ko, Mahal, ay yung mga nanggagaling mismo sa puso at utak ko. Kung ano yung tunay na nararamdaman ko. Hindi ako nagi-imbento!

Sabay nating gagawin, para hindi mahirap para sa yo, pwede ba yun? Sige na, Mahal, pangako, makakaluwag ng damdamin natin na isulat ang alam nating mabuti sa kanya.


Huminga ng malalim si Maine, pumikit at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Rj. Pagmulat ay tiningnan nyang mabuti si Rj.


Simulan mo, baka lumihis agad ang maisulat ko.


Napatawa si Rj at sinimulang magsulat sa kanina pang nakalatag na papel sa harapan nila.


Matagal na siya sa industriya, at marami na din ang natulungan nya.


Weh, anong natulungan? Sino?

Maine, ilang taon na syang sumusulat at madami nang artista ang malapit sa kanya. Dali na, ikaw naman.

Hmp. Sige na nga.


Matapang siya, wala siyang takot na sabihin ang totoo.

Kahit na minsan ay napaka-eksaherado na ng totoo para sa kanya.


Oy, burahin mo yang huli, hindi kasali yan.

Ayan, buburahin na.


Mahusay siyang magsulat, bibihira na ngayon sa mga manunulat ang nakakapagsaad ng malinaw na kwento sa salitang Pilipino.

Mahusay siyang makisama, kahit pa sa mga baguhang artista.

Maasikaso siya.


Hoy Rj, anong maasikaso? Inalagaan ka nya? Ni hindi nga natin matagalan na makasama siya sa presscon, tapos ngayon maasikaso sya? Ano to?

Nung bumisita ako sa birthday nya, natatandaan mo?

Ay, hindi ko makakalimutan yun, nagalit ako sa iyo nun eh.

Sabi ko nga. Inasikaso nya ko nun, medyo kabado ako at umiikot yung tiyan ko dahil alam kong puro mali ang sinusulat nya, pero yun nga, hindi sya umalis sa tabi ko, panay ang tanong kung kumain na ba ako, kung may gusto pa ba akong kainin...

Sige na, sige na, maasikaso na kung maasikaso. Dali, ituloy na natin to, para matapos na.


Tapat siya at pinaninindigan ang kanyang mga paniniwala.

Hindi niya inuurungan ang sinumang humahamon sa kanyang mga isinusulat.

Bagaman siya ay nahaharap sa pagsubok, hindi siya kakikitaan ng pagsuko.

Bumabangon sya kahit ilang ulit nang nadapa at itinakwil ng madla.


Natigilan si Maine sa isinusulat. Tiningnan si Rj at napangiti.

Ok na ko mahal. Tama ka, medyo nakatulong din.

Sabi ko sa yo di ba. Para maibsan ang galit mo sa tao, humanap ka ng mabuti sa kanya.

Oo na, kahit mahirap. Nakahinga na ko ng maluwag.

Ibig sabihin ba, payag ka nang magpa-interview tayo kay Nanay Cristy?

Hindi pa din.


***

AMACon3 Prompt 12

Maine and Alden writes down the most wonderful things about the person they can't stand at all

29 August 2016

attemptsWhere stories live. Discover now