Mahal, pangako sa iyo
Hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko
Kahit Ikaw ay lumayo
At masaktan ako
Asahan na 'di maglalaho
Mahal, natatandaan mo ba ang kantang yan?
Oo naman, yan ang tinutugtog habang naglalakad ka sa simbahan
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang naglalakad ako papunta sa yo
Ang ganda-ganda mo, kahit hindi na kita maaninag dahil umiiyak na ako
Ang pag-ibig ko'y alay sa'yo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman.
Nanlalamig ang kamay ko pero pinagpapawisan na ako nun
Sabi mo pa nga sa akin nung magkalapit na tayo, emosyonal na naman ang kili-kili mo
Tapos hindi ko malaman kung uunahin kong punasan ang luha mo o yung luha ko
Hindi ko maalis ang mata ko sa iyo, baka kasi kapag kumurap ako biglang mawala ka sa harapan ko
Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Limang taon na mahal
Limang taon, oo, hanggang ngayon hindi pa din nagbabago
Pero parang habang-buhay na ang nakalilipas
Habang-buhay, iyong-iyo lamang ako
Ang pagmamahal sa'yo'y walang hangganan
Dahil ang minsan, ay magpakailanman.
Hinahanap-hanap pa din kita, mahal
Nandito lang ako palagi sa tabi mo
Masakit pa ding isipin na iniwan mo na kami
Huwag kang mag-alala, hindi pa din kita pinapabayaan
Lumalaki na si Siegfried, marami na siyang tanong
Palagi ko syang binabantayan sa pagtulog
Mas lalo ka niyang nagiging kamukha
Mas nakuha niya ang pagiging makulit mo
Kahit iniwan mo na kami Richard...
Yakap-yakap ko pa din kayo ng anak natin, Maine
Kapag ngumingiti ang anak natin...
Alam kong masaya pa din kayong dalawa
Ibinubulong ko sa Diyos ang pasasalalamat...
Naririnig ko din ang sinasabi mo
Dahil ibinigay ka Niya sa akin kahit pansamantala
At sa sandaling nagkasama tayo...
Ang anak natin ang naging bunga ng ating pag-ibig na walang hangganan
***
AMACon 3 Prompt 8
Maine and Alden can't help but smile as they recall their greatest heartbreak
25 August 2016