punla

418 18 1
                                    

tahimik kaming pareho habang nasa sasakyan. malayo ang iniisip, may kanya-kanyang mundong tinatakasan. nilakasan ko ng bahagya ang radyo. mas nakakabingi kapag wala kang naririnig na kahit ano. ang malalim na bunting-hininga nya lamang ang pumupunit sa tahimik na sasakyan.

gusto mo na ba munang kumain? tanong ko sa kanya. nagkibit-balikat lang sya, wari bang ipinauubaya na lang sa akin ang pagpasya.

hindi pwedeng hindi natin pagusapan to, Meng.

tiningnan nya lang ako, matalim. hindi pa din sya nagsasalita.

hindi ko ginusto, Meng. kung ganito ang ipinag-adya ng Diyos, tanggapin natin.

hindi pa din nya ako kinikibo. tumingin na lang sya sa labas ng sasakyan, tila mas may saysay ang dumaraang mga poste sa daan kaysa kausapin ako.

kasalanan ko ba na hindi kita pwedeng bigyan ng anak?

bumaling sya sa kin at sinigawan ako:

"oo! dahil hindi mo tinigilan ang pagsusuot ng skinny jeans mo!"

pabalikwas akong bumangon sa kama, pawis na pawis. kelangan ko na talagang sunugin ang mga pantalon ko. para sa kinabukasan nina siegfried at athena.

***

hawak-hawak nya ang kamay ko, habang patuloy akong lumuluha. hindi ko alam kung gaano katagal na akong umiiyak, pero mabigat na ang dibdib ko, hirap na hirap ang kalooban ko.

iniangat nya ang mukha ko para tingnan ko sya.

paano na to, rj? paano na ang mga pangarap natin?

pinahiran nya ng kanyang kamay ang basa kong pisngi. inilapit nya ang kanyang noo sa aking noo.

may paraan pa naman meng.

tiningnan ko sya, pinipilit kong hanapin sa mga mata nya ang kasagutan na inaasahan kong sabihin nya.

mag-aampon na lang tayo? dahil hindi kita mabigyan ng anak?

hinalikan nya ako ng mariin. ramdam ko ang hirap sa loob nya sa bibitawan nyang salita:

pwede ko namang mabuntis si julie.

nagising akong sumisigaw at nagmumura. kinuha ko ang telepono at agad na tinawagan si rj.

hello meng? alas-3 ng umaga, bakit napatawag ka?

mag-aampon tayo ng kahit isandaang bata! huwag na huwag ka lang pumatol kay julie! 


***

AMACon 3 - Drabbles Day 3

Provide Maine's & Alden's stream of consciousness during the worst nightmare they've ever had

20 August 2016

attemptsWhere stories live. Discover now