GAYA NG SABI KO MADAMI AKO UPDATE SANA MAGUSTUHAN NYO!
=========================================
CHAPTER 8>>>> HOW CAN I MAKE IT UP TO YOU?
AINIE POV>>>
After ng incident lihim na pinakulong ang babae at hindi nalaman sa showbiz entertainment ang nangyari sa condo ni Rei
3 days na ang nakalipas simula ng mangyari ang incident na yun pero hindi ko pa rin makalimutan ang nagging pag-uusap naming ni Rei
Specially when he said
"don't worry, hindi kita iiwan..................I promise Ainie, lagi na kitang proprotektahan.....pangako!"
Ngayon pa lang nag-sisink in ung sinabi ni Rei at kinikilabutan talaga ako pero hindi ko maitatanggi na tinamaan ako sa sinabi ni Rei
Pero syempre may doubt pa rin malay nyo nabigla lang sya nun
Dito ako nag-sstay kina Cath since may out of town sina Rei
Ditto nya ako susunduin bukas kaya naman kahit paano panatag ako kasi safe ako sa bff ko
"oh bat tulala ka naman okay ka lang ba? May trauma ka pa rin ba sa nangyari sa iyo gelay" nag-aalalag tanong ni Cath sa akin
"okay lang ako gelay meron lang gumugulo sa isipan ko" sabi ko naman
"hmmm hulaan ko tao ba to? Hmmm start with letter R or lets just say si Rei noh!" panunukso si Cath sa akin
"luka, bakit ko naman iisipin ang taong yun ang judgemental mo?"
''wag ka nga Ainie I know you anong gumugulo sa iyo at bakit mo iniisip si Rei? Come on spill na!'' pang-uusisa ni Cath sa akin
Since napaktransparent ko nga kaya
"oo na si Rei nga ang dahilan paano naman kasi nalilito ako sa taong yun, at nalilito rin ako kasi bakit ganito pakiramdam ko sa kanya" sabi ko habang nabalik na naman sa taong yun ang iniisip ko
"luka-luka sinasabi ko na nga ba eh ano nahuhulog na loob mo sa kanya? Ainie gusto kitang maging masaya at hindi ang taong yun ang nararapat sa iyo" wika ni Cath at bakas ditto ang pag-aalala
"Ainie alalahanin mo artista sya magkaiba ang mundong ginagalawan nyo, isa pa ayoko sa bandang huli ikaw lang ang masasaktan at iiyak, hindi bat road to happiness ang goal mo kaya nga inabot ka nan g ganyang edad eh" wika ni Cath habang hawak ang kamay ko
Hindi ako makakibo kasi dama ko ang concern ng friend ko
"wag kang padala sa nararamdaman mo hmmmm, marami iba jan na mas deserve mo kaya wag sya, isa pa ready ka ba sa mga obstacle na haharapin mo once na pinapasok mo sya sa buhay mo?" sunod sund na tanong ni Cath nakakatawa man kasi ang bilis naman ng tinakbo ng imagination nya
"grabeh ka naman gelay edad ko talaga ang dinidiin mo, isa pa sabi ko lang like ko na ata si Rei hindi ko naman sinabi na tototohanin ko ang fake marriage naming kaya wag kang futuristic gelay okay! O.A mo eh" sabi ko naman
"well paalala lang naman gelay ayoko ikaw ang iiyak isa pa strong ka diba kaya hindi ko yata matatanggap na iiyakan mo ang isang lalaki" sambit ulet ni Cath
Kaya niyakap ko na lang ang bait kasi ng friend ko natouch
After nung pag-uusap naming ni Cath pinigilan ko ang sarili ko na mahulog sa pafall na character ni Rei baka mamaya nyan nafall ako kaso hindi pala ako masasalo
BINABASA MO ANG
INSTANT MOMMY SI NBSB
RomanceNagsimula ang lahat dahil sa isang pagkakamali, at nagbunga ito, hindi ako handa at mas lalong hindi rin sya handa, pero bakit ako kinaya ko ang responsibilidad at kahit mahirap binuhay ko ang bunga ng pagkakamali namin, aaminin kong una akong nagka...