SHIZUKA POV>>>
Pagdating naming sa ospital hindi kami pumasok dahil nakita na agad namin si Rei nasa malapit sa entrance
At nang makalapit kami ang kinatatakutan kong bagay nangyari na, paglapit ko Rei tama ang hinala ko
Tulala na sya at nanginginig ang katawan mabuti at may upuan syang sumalo sa kanya
Wala na kaming sinayang na oras at inihatid na namin sya ng kapatid ko, mabuti at wala masyadong tao nun, habang nasa byahe kami si Rei ay nakahiga sa likod ng van nagpapahinga
"anong nangyari bakit nagkasakit ang alaga ko nawala lang ako ng isang araw nagkaganito na sya"
"nasa ospital si Ainie muntik nang mamiscarriage ung baby nila ni Rei" paliwanag ko
"sh*t paano yan bukas may shooting kami, hindi pwede mawala si Rei" sabi ng kapatid ko
"sira ka ba alam mong wala sa kondisyon si Rei pag sya pinilit mo bukas Shin! ako makakalaban mo!!! gawan mo ng paraan kaya mo yun tutal ikaw ang manager nya, isa pa alam natin pareho kung bakit nagkaganun si Rei" sabi ko sa kanya
Pag-uwi naming sa bahay nya dali dali naming syang hiniga sa kama nya at ininject ang gamot nya
Sa taas ng lagnat ni Rei dapat sa ospital sya pero hindi naming pwede gawin yun since hindi pwede yun dahil sa status nya at maari rin naging sanhi yun para mas lumalala ang sakit nya
Buong magdamag nagchichill si Rei at buong magdamag din naming syang binantayan
Ang problema hindi ko alam kung kelan gigising si Rei depende yun sa lakas ng epekto sa kanya ng gamot para kasing sleeping pills ito pero mas malakas ang epekto dahil napapakalma nito si Rei
Kakaibang gamot ito para sa espesyal na kalagayan ni Rei
Oo may kakaibang sakit si Rei more on psychological ito kaya naging dependent na rin sya sa gamot, dahil 3 taon nya nang ginagamit ito
Nung unang taon nya grabeh ang atake nya daihil halos every other day kung atakihin sya ng sakit nya
Dahil pag gising nya ang sumasakit ang ulo nya na kahit anong pain reliever ay ayaw tumalab sa kanya
Nang magpacheck up kami ang sabi ng doctor nya grabeng trauma ang inabot nya sa trahedyang nangyari sa kanya kaya hindi nya ito matanggap
at dahil sa stress ang inaabot nya dito nadadagdagan pa ito ng sobrang emosyong nararamdaman nya sanhi para makaramdaman sya ng sobrang pananakit ng ulo niya na nauuwi sa mataas na lagnat
hanggang sa napag-alaman namin na isa itong psychological stress disorder at dahil sa palagian nyang pag-inom ng gamot naging dependent na sya
Nito lang nagbago ang buhay ni Rei nang makilala nya si Momoko kahit ayaw ko kay Momoko wala naman akong choice since natutulungan nya si Rei kaya pumayag na rin ako sa relasyon nila
Matagal ko nang kilala si Rei hindi pa sya artista kilala ko na sya
Kaya ung trahedya sa buhay nya alam ko yun dahil nasaksihan ko ang naging paghihirap nya
Para lang makabangon sa trahedyang iyon, pero hindi ko akalain na mauulit ito ngayon
Gusto ko tulungan si Rei dahil deserved nya ang lumigaya after ng pinagdaanan nya
At kung ako ang tatanungin mas gusto ko si Ainie para sa kanya, mabait at magalang si Ainie kaya naman mas gusto ko sya para kay Rei at nararamdaman kong isa syang babaeng pwedeng mag-alaga kay Rei
BINABASA MO ANG
INSTANT MOMMY SI NBSB
RomanceNagsimula ang lahat dahil sa isang pagkakamali, at nagbunga ito, hindi ako handa at mas lalong hindi rin sya handa, pero bakit ako kinaya ko ang responsibilidad at kahit mahirap binuhay ko ang bunga ng pagkakamali namin, aaminin kong una akong nagka...