CHAPTER 39>>> LET REI TAKE CARE OF YOU THIS TIME!

2.6K 71 2
                                    


=================================

CHAPTER 39>>> LET REI TAKE CARE OF YOU THIS TIME!

REI POV>>>

Nasaktan ako sa ginawa ni Momoko, siguro nga masaydo ko syang nasaktan kaya nagawa nya ito

Sabi nga hindi naman lahat pangit ang mangyayari sa iyo, tumamlay nga ang career ko pero, mas naging close kami ni Ainie sa isat isa

Isama mo pa ang suporta ng mga kaibigan ko, nung oras na umiyak ako kay Ainie that was the first time I show my true emotion sa isang tao

At hindi ko maitatanggi na hindi ako nag-alinlangan na umiyak sa harap ni Ainie siguro dahil komportable na ako sa kanya

At dahil dun mas magaan kahit paano ang problema ko dahil karamay ko ang mga kaibigan at ang babaeng

Mahalaga at mahal na mahal ko

Hanggang sa isang balita ang lumabas at luminis sa pangalan ko

Nagulat ako dahil hindi pa natatapos ang linggong ito ay may nilabas ulit na balita si Momoko sa t.v at sa news paper

At dahil dun nalinis ang pangalan ko

Syempre lahat kami nagdiwang at ako gumaan na ang problema ko at sa wakas makakafocus na ako sa kaso ni Ainie laban kay Momoko

Hindi ko naman pwedeng kalimutan na dapat managot si Momoko lalot ang baby naming ang naging kapalit ng ginawa ni Momoko

"magcelebrate na tayo dahil alam ko mananalo din ang kaso ni Ainie laban kay Momoko, lalo na sa ginawa nyang pagsisinungaling sa national t.v" galak na sambit ni Ate Shizuka

"tama walang duda mananalo ang kaso ni Ainie kaya naman wag na tayong mangamba dahil tyak mananagot si Momoko" dugtong pa ni Yuta

Habang kami ay masaya sa balita ang taong dapat mas masaya dahil sa nangyari ay parang hindi nagulat sa balita na nilabas ni Momoko

At dahil dun kinutuban na ako na may kapalit ang kasiyahan naming ito

Habang nagsasaya ang lahat nakakuha ako ng tyempo na kausapin ang taong laging may alam sa desisyon ni Ainie

si Cath at tama ang hinala ko sa kasiyahang ito

Dahil karugtong nito ang kalungkutan sa amin ng babaeng mahal ko



NO ONE'S POV

Ramdam ni Hiro ang ibang kilos nina Ainie at Rei na imbis na nagsasaya sila sa ginawang presscon ni Momoko,

Ay tila mas malungkot pa ang mga ito at nang tignan nya si Cath ay parehas din ang kinikilos gaya sa dalawa nyang kaibigan

kaya naman nagpasya na si Hiro na pauwiin muna ang lahat dahil tila may dapat pag-usapan ang dalawa

"bakit ang aga natin umuwi tsaka bakit ganun ung dalawa parang di sila happy sa ginawang presscon ni Momoko, ano pa ba ang ikinalulungkot nila eh nalinis na ang pangalan ni Rei" dismayadong sambit ni Kaido dahil natigil ang kasiyahan nila

"malalaman din natin iyon sa ngayon hayaan muna natin sila na makapagusap at tyak naman ipapalaam din nila iyon sa atin" wika naman ni Hiro sabay tingin kay Cath na tila nahulaan na rin na may alam sya sa ibang kilos ni Ainie at Rei ngayong araw

Nang makaalis ang mga kaibigan nila hindi pa rin nag-usap ang dalawa parehas lang silang naglilinis at tila nagpapakiramdaman sa isat isa

At nang magpahinga na sila at magkatabi na sa kama nila hindi na nakatiis si Ainie

INSTANT MOMMY SI NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon