ETO PA UPDATE AGAIN MAHABA ITO AH TINAMAD NA NAMAN SI ATE AUTHOR NA MAG PART TWO...ENJOY READING MGA CHINGU!
=======================================
CHAPTER 37>>> MAS MAHAL KITA AINIE....MAHAL NA MAHAL
REI POV>>>
Nung mga oras na parang gusto ko nang sumuko, may isang tinig na palaging tumatawag sa akin
At sinasabing kailangan nya ako, at sa twing hahanapin ko ang boses na yun
Sa iisang tinig nagmumula iyon
At sa babaeng mahal na mahal ko
At ang babaeng iyon ay walang iba kungdi
Si Ainie.
Nang magising ako lahat ay masaya pero
Hindi ko inasahan ang reaksyon ni Ainie
Nang makita ko sya na, pawis at pagod habang nakasakay sa wheelchair , na tila pinalipad iyon para makarating sa kwarto ko
Kumirot ang puso ko
At nang tumayo sya at bumagsak dahil hindi nya pa kaya,
Kahit wala na akong lakas na maglakad, nakuha kong bumangon para lapitan sya
At kahit mahigpit na magkayakap na kami
Damang dama ko ang pag-iyak nya na walang humpay, iyak na mas dumudurog sa puso ko, na kahit ako na pinipigilan kong 'wag umiyak ay ayaw paawat ng luha ko
Nagsamut sari na ang emosyon ko lalo nat yakap ko na ang babaeng mahal ko,
Hindi ko alam gaano katagal kaming magkayakap at umiiyak
Basta ang tanging naririnig ko lang ay ang boses ni Ainie
Na tumatangis.
Kahit na bawal syempre gumawa ako ng paraan na makatabi ang babaeng namiss ko ng sobra sobra
"Rei okay lang ba talaga magkatabi tayo baka kasi pumasok ung nurse makagalitan tayo,
Eh kasi baka isipin nya ano.....
Na.....ano......
ginagawa nating motel ang hospital" sambit ni Ainie na parang nahihiya pa
Natawa naman ako kasi kanina ang drama namin pero naiba dahil ang cute ng mga sinabi ni Ainie at naisip nya pa un after ng madramang reunion namin
"okay lang yan, sabihin ko may sakit ka din ba ayun pa nga wheelchair mo eh kaya wag kang mag-alala isa pa madami tayong bantay sa labas at alam ko bibigyan nila tayo ng chance na makapagsarilinan kaya
Wag ka nang mag-alala okay" sabi ko naman sa kanya at isang matamis na ngiti ang ginanti naman nya
Nakatitig lang kami sa isat isa habang hinahalpos nya ang mukha ko at dama ko ang pag-aalala pa rin nya
"bakit parang namayat ka, hulaan ko hindi ka palagi kumakain ng tama noh!" sambit nya habang haplos pa rin nya ang mukha ko
"ah talaga ba...hayaan mo at hindi na ako magpapalipas ng gutom
Basta lagi mo ako lulutuan ng pagkain eh" tugon ko naman sa sinabi nya
"ganun...hmmm sige na nga" wika nya habang nakangiti
Pero kahit ngumingiti sya sumisilay pa rin ang lungkot sa mga mata nya, kahit magkatabi na kami at nakatitig sa isat isa, bakas pa rin sa mukha ni Ainie ang lungkot
BINABASA MO ANG
INSTANT MOMMY SI NBSB
RomantikNagsimula ang lahat dahil sa isang pagkakamali, at nagbunga ito, hindi ako handa at mas lalong hindi rin sya handa, pero bakit ako kinaya ko ang responsibilidad at kahit mahirap binuhay ko ang bunga ng pagkakamali namin, aaminin kong una akong nagka...