ETO SANA MALIKE NYO UPDATES KO MADAMI NA TO AH PATAPOS NA KASI AT SALAMAT SA LAHAT NG NAGBABASA NG LOVE JOURNEY NINA REI AT AINIE
===========================================
CHAPTER 34>>>BREATH...... REI
YUTA POV>>>
Nagulat kami ng out of nowhere biglang sumulpot tong si Rei, ang akala naming super busy sya sa pagpapractice kaya
hindi naming napansin na nakasunod pala sya sa amin
ang mas nakakagulat eh ng malaman naming na hindi pala buntis tong baliw na ex ni Rei
paanong hindi magiging baliw, sinong matino ang gagawa ng kapahamakan sa kapwa nya, worst buntis pa ung taong
yun at si Ainie yun,
ang daming rebelasyon, si Ainie alam pala na hindi baliw ay este buntis tong si Momoko
at ganun din si Rei, alam nya ang kalokohan ng ex nya, pero naiintidihan naman naming sya bakit nya ginawa ang desisyon na yun
yun nga lang nangyari pa rin napahamak pa rin si Ainie
at ang masaklap hindi na sya nakakalakad at nawala pa ung baby nila, nang makita ko sya sa retreat house na tinutuluyan nya
kahit ako nanlumo sa nangyari sa kanya, kaya naman hindi ko mapigilan si Hiro na sugurin si Momoko
kahit na image naming ang masisira dito, nakakapoot ang ginawa ni Momoko at walang kapatawaran
dahil dalawa ang nawala kay Ainie
hindi na sya nakakalakad at ang
baby nila ni Rei
at nakapagpakilabot lang sa akin ay ang banta ni Rei
dahil ibang Rei ang nakita ko sa kauna unahang pagkakataon lalo na nang sabihin nya
Dahil oras na guluhin mo ulit sya
Papatayin kita
Papatayin kita
Momoko"
Nagtaasana ata lahat ng balihibo ko at yun
after ilabas ni Rei ang saloobin nya sa ex nyang baliw
mabilis syang umalis, at kami sumunod sa kanya
pero habang nakasunod kami, naawa kami sa nakita namin kay Rei
naglalakad lang sya at tila wala sa sarili at tanging
pagtangis nya ang naririnig namin.
NO ONE'S POV
Parang binagsakan ng langit at lupa si Rei ng marinig mismo sa taong minamahal nya dati, ang mga ginawa nito sa
Babaeng mahal nya ngayon,
After nyang masabi ang gusto nyang sabihin
Gulong-gulo ang isip ni Rei
Hindi nya alam ano ang una nyang gagawin pupuntahan ba si Ainie,
o ang magpunta sa ospital para humanap ng solusyon para makalakad muli babaeng hindi nya maprotektahan, at maalagaan
naglakad lang sya ng lakad at paulit ulit sa utak nya ang pangyayari, ang sinapit ni Ainie
kaya naman hindi na nya napigilan ang tumangis, at damhin ang lahat ng sakit at hirap ni Ainie
ang mas masakit sa kanya ang baby nila na hindi nagkaroon ng pagkakataon na mabuhay at makita nila
lahat ng bigat pilit nyang inaabsorb sa isip nya, kaya mas nahihirapan sya na tila unti unting
nagpapawala ng lakas ng katawan at mga paa nya para maglakad
hanggang sa mapasandal sya sa pader at napaluhod
nahihirapan na syang huminga, kaya naman sinusuntok nya ang dibdib nya dahil sa inaakalang na luluwag ang dibdib nya para makahinga
kaya naman nataranta sina Hiro at Yuta, inalalayan ang kaibigan nahihirapan
"breath
Breath......REI
UTANG NA LOOB BREATH.....REI" sigaw ni Hiro habang unti unti nilang nakikita tila nawawalan ng malay tao ang kaibigan nila
REI........HUMINGA KA" sigaw rin ni Yuta
Hanggang sa ang huli nilang narinig mula sa bibig ng kaibigan ay
"pagod....na...ako....
Pagod na pagod na ako Hiro" wika ni Rei at tuluyan na syang nawalan ng malay
Pinasan ni Hiro si Rei
At patakbong papunta sa ospital
"bro...please....wag kang...sumuko"sambit ni Hiro habang pasan pasan ang walang malay na si Rei.
ZI'b<>
BINABASA MO ANG
INSTANT MOMMY SI NBSB
RomanceNagsimula ang lahat dahil sa isang pagkakamali, at nagbunga ito, hindi ako handa at mas lalong hindi rin sya handa, pero bakit ako kinaya ko ang responsibilidad at kahit mahirap binuhay ko ang bunga ng pagkakamali namin, aaminin kong una akong nagka...