UPDATE AGAIN MADAMI KASI TO MGA CHINGU NAIPON KASI EH SANA MALIKE NYO ANG UPDATE NG STORY NINA REI AT AINIE
============================================
CHAPTER 14>>> GUSTO KITA........HINDI... MAHAL NA YATA KITA!
REI POV>>>
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero ang alam ko lang naramdaman ko na naman ang ganitong pakiramdam nung nagkasakit ako
Ganito din nya ako alagaan at nagpapasalamat ako sa kanya
Nang magmulat ang mata ko nakita ko syang tumatangis na nagpakirot sa puso ko, hindi ko alam bakit ganito nya ako pahalagahan kahit palagi ko naman syang sinasaktan
Kahit Malabo ang paningin ko alam ko ang nakikita ko dahil dama ito ng puso ko
Kaya naman kahit nahihirapan akong magsalita pinilit ko syang patahanin at sinunod naman nya ako
Habang inaalagaan nya ako mas lalo akong naguguilty sa ginawa ko sa kanya
Nadismaya ako ng hindi man lang ako naalala ni Momoko, kahit busy sya sana naisip sana an lang nya ako kamustahin
Kaya yun hindi ko napansin na naapektuhan ko si Ainie
Sa sobrang pag-iisip ko sa ginawang hindi pagcall or txt man lang ni Momoko hindi ako ganahan kumain
Hindi naman ako nagagalit sa ginawa nya kasi alam ko naman kahit alam nya na may sakit ako hindi naman sya maalaga or maasikaso dahil hindi nya naman un nakalakihan dahil sa may mga kasambahay sya sa bahay
Hindi ko naman nadama na wala sya dahil na rin sa galing mag-alaga ni Ainie,
Kaso dahil sa pag-iisip ko Momoko hindi ko napansin na mali na pala ung kinikilos ko hanggang sa nagtalo na kami ni Ainie
Hindi ko kasi napigilan na mainis kahit na wala sa lugar
Kaso mas napapahiya na talaga sa sarili ko
Kaso mas masasaktan ka lang pala si Ainie lalo na nang marinig ko mismo sa bibig nya ang
"kasi nasasaktan din naman ako Rei,
At napapagod na akong umiyak" at nang Makita ko ang papatak na luha nya nakonsensya ako at nasaktan
Kasi bakit ko nga ba sa kanya tinatapon ang pagkainis ko sa girlfriend ko
At nang umalis sya at talikuran ako
Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin at halikan sya
Kinalumutan ko ang lahat kahit si Momoko
Dahil ng mga oras na yun si Ainie lang ang nasa isip ko
Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko pero alam ko sa sarili ko, hindi ko kayang balewalain ang luha at ang nararamdaman ng babaeng yakap ko ngayon
Matapos ang pangyayari na yun na mejo nagkailangan kami ni Ainie pero kahit ganun, dama ko na mas magaan na ang samahan naming
Hindi ko rin maidescribe ang nararamdaman ko dahil pagnakikita ko si Ainie na nakangiti sumasaya rin ako
Kaya hinayaan ko ang sarili ko sa nararamdaman, isang araw pa akong nagpahinga sa bahay
At dahil na rin sa galing na nurse ko mejo mas okay na ang pakiramdam ko
Hanggang sa dumalaw si Hiro at sa hindi ko inaasahang pagkakataon kasama nyang dumalaw si Momoko
At first masaya ko pero, hindi ko maintidihan bakit sa iba nakapokus ang mata at atensyon ko
Habang nagkukuwento si Momoko sa naging shooting nya sa nalalapit nyang pagpunta sa Spain para sa shooting
Sa isang tao nakapokus ang mata ko, at yun ay kay Ainie na masaya na nakikipagkwentuhan kay
Hiro, naiirita ako at gusto kong palayasin si Hiro at maging si Momoko, kasi okay kami ni Ainie kanina masayang nagtutulungan sa gawaing bahay kahit na sya lang naman talaga ang kumikilios at ako ay taga kwento lang ng mga naging experience naming sa concert since
Gusting gusto nya ang concert naming, at dahil sa pagdating nila nasira ang mood ko, ewan hindi ko rin malaman bakit nga ba ganito ako mabilis mag-iba ng mood
Hanggang sa umalis sila hindi nagbago ang mood ko, kaya naman pansin kong hindi rin kumikibo si Ainie
Hanggang sa magpaalam sya para matulog
"may kailangan ka pa ba, kasi matutulog na ako" sabi nya at dahil sa sira ulo ako kaya
"hindi ako imbalido Ainie kaya ko ang sarili ko" sabi ko naman haist sablay na naman ako
"ang sungit mo kung wala edi wala hindi ung namimilosopo ka naman hirap mo talagang kalingain nakakainis ka"sabi naman nya at dahil isa kong sira ulo kaya
"inimbitahan mo ba si Hiro, kasi wala akong alam na nagsabi ko sa kanya na pumunta sya" sabi ko na may halong inis
"hindi bakit ko naman gagawin iyon isa pa hindi ikaw ang pakay nya kaya anong kinaiinis mo jan"sabi naman nya kaya lalo akong nainis so meaning sya ang pinuntahan talaga ni Hiro
"at bakit ka naman nya pupuntahan may relasyon ba kayo? Ano meron na ba, wag kang magsinungaling sumagot ka Ainie" gigil kong sambit sa kanya
Tumayo si Ainie at
"Una Mr. Sakurai wala kang pakialam kung sino ang makakarelasyon ko, ikalawa sino ka ba para ganyan ka magtanong ako ba pinakialaman ko ba ang relasyon nyo ni Momoko, isa pa ano kung nagkakamabutihan kami ni HIro
Wala ka nang pakialam sa personal kong buhay
At lalong lalo na wag mo akong paparatangan ng bagay na hindi ko ginawa at wala kang karapatan na usigin ako
Dahil
Hindi tayo mag-asawa
Hindi mo ako girlfriend
At lalong wala tayong relasyon
Kaya wala kang karapatan na tanungin ako ng ganyan" wika nya at kitang kita ko ang pag-kainis nya
"tsaka ano ba ang kinaiinis mo? Ano bang ginawa ko sa iyo
Kasi Rei sawa na ako na intidihin ang mood mo ano ba talaga ang gusto mo sa akin
Ano pa ba agn dapat kong gawin para hindi tau magtalo
Ano sabihin mo
Dahil nahihirapan na ako" dugtong pa nya at dama ko ang garalgal na boses nya
Kaso wala akong maisagot sa mga tanong nyang wala rin akong sagot
At dahil dun papalakad na syang lumayo sa akin pero hindi nakaligtas sa mata ko ang luhang pumatak sa pisngi nya
At dahil dun hindi na ako nagpapigil
Sa sarili ko kaya
"nagseselos ako at hindi ko mapigilan ang sarili ko
Naiinis ako dahil sa nakikita ko, at mas naiinis ako sa sarili ko dahil nagkakaganito ako
Naiirita ako ng hindi ko maintidihan lalo na pag masaya ka na kasama sya
Dahil.....................
Dahil....................
Gusto kita
Gusto kita Ainie
Hindi, mahal na yata kita!
Dahil kahit anong gawin ko na wag maapektuhan hindi ko magawa, hindi ko kayang balewalain ang nakikita at nararamdaman ko
Kaya nagagalit ako"
BINABASA MO ANG
INSTANT MOMMY SI NBSB
RomanceNagsimula ang lahat dahil sa isang pagkakamali, at nagbunga ito, hindi ako handa at mas lalong hindi rin sya handa, pero bakit ako kinaya ko ang responsibilidad at kahit mahirap binuhay ko ang bunga ng pagkakamali namin, aaminin kong una akong nagka...