ETO PA UPDATE ETO MEJO MAHABA AH HINDI K NA PINUTOL EH O SYA ENJOY READING SANA VOTE AND COMMENT PAG MY TIME LANG NAMAN ARIGATOU!
====================================================
CHAPTER 23>>> MEET THE PARENTS
REI POV>>>
Nang Makita ko ung mukha ni Ainie napangiti ako kasi ang pula nya at dahil sa embarrassment babangon na sana sya pero pinigilan ko at niyakap ko sya
Hindi ko rin alam bakit ginawa ko un pero nang mga oras na yun parang ayaw kong mawala sya sa paningin ko kaya naman niyakap ko sya
At ang sarap ng pakiramdam ko habang yakap ko si Ainie
At kung ano man ang nararamdaman kong ito gusto ko itong magpatuloy dahil
Dahil alam kong ang nararamdaman kong ito para kay Ainie ay lumalalim na at nagugustuhan ko ito
Habang kumakain kami ng breakfast hawak ko ang kamay ni Ainie hindi naman sya umayaw kaya naman habang kumakain kami parehas kaming nakangiti sa isat isa
Feeling ko nagsisimula na muling magbukas ang puso ko ng totoo I mean minahal ko si Momoko pero hindi kasing lalim ng pagmamahal ko sa dati kong pinakamamahal na babae
Ganito rin ang naramdaman ko ng mahalin ko si Keiko
at dahil naalala ko si Keiko muli kong tinignan ang larawan nya sa wallet ko at muli kong napagmasdan ang mukha ni Keiko na akala ko nakalimutan ko na
"Rei? Ayos ka lang ba?" natigil ang pagala-ala ko kay Keiko ng tawagin ako ni Ainie
"may problema ba may masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong nya
"huh ah wala naman, bakit mo naisip na may masakit sa akin" sambit ko sa kanya
"ganun ba eh kasi kanina ka pa nakatulala sa wallet mo eh tapos hawak mo pa ung dibdib mo kaya naisip ko baka may masakit sa iyo, sigurado ka walang masakit sa iyo pwede naman tayong umuwi na baka kasi napapagod ka na eh" nag-aalalang wika nya
"huh wala naman may naalala lang ako isa pa okay lang ako wag kang mag-alala hmmm" sambit ko sa kanya at pilit na ngumiti
Hindi na sya nagtanong pa kala ko nga itatanong nya sino yung naalala ko pero hindi sya nagtanong sa halip
"ganun ba! Mabuti naman kala ko kung napano ka na eh, sige nasa labas lang ako wah intayin kita dun " sambit nya habang nakangiti
Habang nasa byahe kami tahimik lang si Ainie na nagpapabalisa sa akin hindi kaya nagtampo sya dahil hindi ko sinabi kung sino ung naalala ko
Ang totoo sasabihin ko naman sa kanya kung nagtanong sya kanina kaso hindi naman sya nagtanong
At ngayon pakiramdam ko may barrier na naman sa aming dalawa, kung dati sanay ako na hinid kami nagkikibuan ngayon hindi na
Kaya naman nagtanong na ako
"Ainie galit ka ba? Bigla ka kasing nanahimik, may mali ba akong ginawa sa iyo? Sabihin mo para naman makapagsorry ako sa iyo
Ayaw ko kasing malungkot ka o hindi kaya may tampo sa akin kaya ano sige may mali ba akong ginawa?" tanong ko sa kanya
"wala akong galit Rei isa pa bakit naman ako magagalit sa iyo hmmm masaya kasing pagmasdan ung view kaya hindi ako nagsasalita pasensya kana nag-alala ka pa" sambit nya
At kahit hindi ako kumbinsido sa sinabi nya hinayaan ko na lang kasi kita ko sa mata nya ang lungkot na pilit nyang tinatago
At kahit ayaw ko ang katahimikan namamayani sa loob ng sasakyan wala akong magawa
BINABASA MO ANG
INSTANT MOMMY SI NBSB
RomanceNagsimula ang lahat dahil sa isang pagkakamali, at nagbunga ito, hindi ako handa at mas lalong hindi rin sya handa, pero bakit ako kinaya ko ang responsibilidad at kahit mahirap binuhay ko ang bunga ng pagkakamali namin, aaminin kong una akong nagka...