CHAPTER 16>>> CONCERT CONFESSION

3K 86 0
                                    

OKAY ETO PA OH MY GRABEH KASI ANG CRUSH KO SA REAL CHARACTER DITO SI FUJIGAYA DI SYA KASING GWAPO NI FISHY GRABEH NAMAN KASI AT ANG CHARM NYA SAPUL NA SAPUL AKO AS IN I REALLY LOVE THIS JAPANESE SINGER O SYA TAMA NA AT O.A EXPOSURE NA NAMAN SI ATE AUTHOR

===========================================

CHAPTER 16>>> CONCERT CONFESSION

AINIE POV

2 weeks later na ang nakalipas after ng pangyayari na yun masasabi ko na after that incident mas naging okay ang samahan namin ni Rei

At mas maalalahanin na rin sya lagi syang may uwi na pagkain or kahit ano na para sa amin ni baby

At ang mas nakakatuwa kasi pag wala syang work nasa bahay lang sya at inaasikaso kami ng baby

Mejo malaki na yung tyan ko kaya mejo kahit paano hindi na ako masyado nagaalis ng bahay

Pero ang bonding namin ang magexercise para madali daw akong manganak, nagenrol ako sa isang yoga workshop para sa mga nagbubuntis

At minsan sinamahan ako ni Rei grabeh ang hirap nya nun paano kasi kailangan nakadisguise sya dahil mahirap na baka mya makakilala sa kanya

Kahit na nakakapagod ang yoga na yun masaya ako dahi kasama ko sya, lalot sinabi pa nya sa susunod daw sasamahan nya ulit ako

Dahil kay baby nagiging maayos ang samahan namin ni Rei, pati ung bonding namin sa pagkain masaya rin

Paano hindi ko rin kasi maintidihan bakit hanggang ngayon ayaw matapos ng lihi ko kaya naman si Rei tuloy ang nahihirapan

One time may nakita kasi ako na masarap na takuyaki sa t.v at talagang gusto ko yun makain hinanap pa ni Rei ung store nay un kahit na super busy sya sa concert preparation nila still he manage to do his responsibilities in our baby

Kaya naman nung makuha nya un maluha luha ako ng kinakain ko yun paano kasi, naikwento ni Shin ang hirap ni Rei para mabili yun

Nakonsensya ako sa pinagawa ko sa kanya kaya naman kahit kumakain ako hindi ko napigilan hindi maiyak, eh ganun naman daw talaga ang nagbubuntis emosyonal

Kaya naman nagulat na lang ako ng yakapin ako ni Rei at..................

"wag ka nang umiyak, kala ko naman sasaya ka sa binili ko eh bakit umiiyak ka, masama yan para sa iyo bawal ang stress diba" sabi sa akin ni Rei

Kaya lalo tuloy akong naiyak paano kasi,

Ang sweet nya feeling ko tuloy lalo akong nababaon sa nararamdaman ko para sa kanya

"ikaw kasi bakit ang bait mo,

bakit ginagawa mo ito, kahit di naman kailangan

Lalo tuloy akong nababaon sa pagkagusto ko sa iyo, at nahihirapan na akong pigilan ang sarili ko

Lalo akong mahihirapan pag naghiwalay tayo"sabi ko naman na mas lalong nagpaluha sa akin

Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Rei dahil iyak lang ako ng iyak hanggang sa nakatulog ako

Paggising ko naman wala na sya maaga ang practice nya para sa concert mamaya na kasi yun, at ang nakita ko na lang ang ticket na iniwan nya na may kasamang note

"morning, sorry hindi na kita ginising mukhang pagod ka at masarap ang tulog mo kaya sinulatan na lang kita

Umatend ka ng concert ah, kahit anong mangyari umatend ka okay, ung damit nasa kwarto ko yun isusuot mo okay

INSTANT MOMMY SI NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon