hi guys update na ako madami to as in thank you sa mga nagbabasa nito kahit wala pang cover photo ung story ko yet ang dami na nagbabasa kaya arigatou mga CHINGU!
==========================================
CHAPTER 28>>> UNDER THE CHERRY BLOSSOM TREE
AINIE POV>>>
Alam ko na sa ganito mauuwi ang party ni Rei kaso kailangan ko nang sabihin sa kanya dahil ayaw kong gawin ni Momoko ang banta nya
Nagpapahinga ako ngayon mejo sumakit kasi ung tyan ko sa pagtatalo namin ni Rei kaya eto hinihimas ko muna yun tyan ko o si baby para kumalma
"baby okay ka lang? sorry ah nasstress si Mommy yan tuloy ikaw nahihirapan sorry ah" sabi ko sa baby ko at gulat na lang ako ng biglang hinawakan ni Rei ung tyan ko
Hindi ko namalayan pumasok sya ng kwarto
"baby sorry sinigawan ko kasi si Mommy mo kaya yan nastress at sumakit ang tyan nya sorry
Yaan mo hindi na mauulit" wika nya sabay tingin sa akin
Tapos hinawakan nya ung kamay ko
"sorry kung natakot at nasigawan kita....nabigla kasi ako sa sinabi mo
Isa pa nakipagkita ka kay Momoko ng hindi ko alam paano kung napaano ka hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa inyo ni Baby" paliwanag ni Rei habang humihigpit ang hawak nya sa kamay ko
Tapos niyakap nya ako
"pinag-iisipan ko ung gusto mo at ang totoo
hindi pa ako ready sa naging desisyon mo
pwede after ng pamamasyal natin.....sige payag na ako sa gusto mo or sa desisyon mo" sambit ni Rei habang yakap ako
"teka? tayo mamasyal? Gulat na tanong ko
"hmmmm mamasyal tayo para marelax si baby lalo kana
sa ngayon magpahinga na tayo alam ko napagod ka pwede bang dito ako matulog hmmm" paalam nya sa akin
Pumayag ako at natulog kaming mag-kayakap
kinabukasan
Nagpunta kami sa cherry blossom park ang ganda ng panahon at ang dami taong masaya sa pamamasyal
Kita sa lahat ang saya dahil valentines day
Masaya rin kami ni Rei pero alam naming pareho ang ending ng pamamasyal na ito
Pero gaya nga ng sabi ni Rei wag muna naming isipin yun dahil dapat maging masaya kami ngayong araw
Naupo kami sa isang vacant space sa park at gulat ako dahil si Rei ang nagprepare ng lahat ng dala namin sa picnic na ito
Naglatag sya ng kumot at isa isang nilagay ang laman ng basket na dala naming
May sushi roll na gulat ako kung paano nya nagawa, may sandwich at pasta na maayos ang pagkakalagay sa Tupperware
Napapangiti ako dahil sa effort na ginawa ni Rei at habang naghahanda sya nakangiti sya sa akin
At ang saya dahil nakasmile na muli sa akin si Rei
Kumain kami at masayang tinitignan ang mga tao sa park
May mga pamilya at magkasintahan, masayang nagkukuwentuhan, meron naman naglalaro at nagkakasiyahan
Habang kami tahimik nang dinadama ang simoy ng hangin nagpahinga kami sa ilalim ng puno cherry blossom, at habang nakahiga si Rei nakapatong naman ang ulo nya sa mga hita ko
Nagbabasa sya ng libro at ang nakakatuwa
Pregnancy book
ang binabasa nya tapos nagsasabi sya ng tips na nababasa nya sa books
"Hon dapat pala lagi ka naglalakad para maexcercise ka at hindi ka mahirapan sa labor ng pregnancy mo
Yaan mo bukas lakad tayo ah, at tska dapat green leafy ang kinakain mo for your breastfeed
Tsk dapat pala mamaya paguwi natin daan tayo grocery para makabili na papaturo ako kay Mama magluto ng mga pagkain may green leaves
Hmmmm.... tapos sabi rin dito dapat makinig ka ng classical music para marelax kayo pareho ni baby
Yaan mo paguwi natin hanap agad ako baka may natago akong classical album sa cd room ko hmmm teka magbabasa pa ako ah wait lang" sambit ni Rei sabay tuloy sa pagbabasa nya
Lubos ang kasiyahan ko sa mga narinig ko sa kanya
Dama ko ang effort at pag-aalaga nya, pero at the same time parang mas hinihiwa ung puso ko dahil sa ginagawa nya
Bakit ba kasi kung kelan okay na ang lahat sa amin tsaka pa dumating sa amin ang ganitong problema
Dahil sa kakamasid ko sa paligid hindi ko namalayan na nakatulog na pala si Rei sa pagbabasa
At nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan ang mukha nya at nang haplosin ko ito parang may nagbago nabawasan sya ng timbang
"parang namayat ka hindi ka na naman kumakain sa tamang oras noh,
paano na yan magkakalayo tayo
Hindi ko na machecheck ung kalusugan mo
Pero madali na yun tatawagan ko na lang lagi si Hiro para macheck ka
Hindi ko masabi ito nang gising ka kaya sasamantalahin ko na ito habang tulog ka ngayon
Ang totoo ayaw ko rin naman na umalis, dahil kung ako ang masusunod gusto ko lagi kitang kasama
Gusto ko lagi kitang nakikita ang saya kasi ng pakiramdam ko pagnakikita kita, feeling ko nga pinaglihian kita
hmmm teka ba hindi mo maintidihan yun,
hmmm pinaglihian yun ung time na gusto ko kita laging nakikita kasi sumasaya ako tapos pati amoy mo gusto ko rin tapos naiinis ako minsan sa iyo ng walang dahilan ganun yun kaya siguro kamukha mo baby natin at pag nangyari yun ang saya
Pero kung...... mahihirapan ka naman dahil magkasama tayo
Okay na kahit sa t.v na lang kita Makita, hindi ko kasi kaya na mahirapan ka pa at nagkakasakit
<sniff>.......
Alam mo ba ang ilang buwan na pagstay ko dito ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko
Siguro nung una puro away tayo, pero sa paglipas ng panahon naging okay na rin tayo at ang saya na nadama ko nun ay walang katulad
Hindi na kasi pilit at mas naapreciate ko ang time nay un dahil totoo at walang pagpapanggap
Tapos ngayon nagpipicnic pa tayo......
Pero nagpipicnic tayo dahil magkakahiwalay na naman tayo,
I'm trying to be strong para sa atin at kay baby,<sniff.....>
pero iniisip ko pa lang na malapit na kaming mawalay sa iyo
Parang hindi ako makahinga, at ang sakit
<sniff...> eh kasi mahal kita
Mahal kita Rei
At kahit anong mangyari ikaw
at ikaw lang ang taong mamahalin ko
Mag-iintay kami sa iyo hanggang sa maging pwede kana
at Malaya na" sambit ko at yun hindi ko na napigilan na hindi umiyak
hindi ko talaga kaya pigilan ang damdamin ko ngayon kahit anong pilit ko na wag manghina hindi ko magawa
hanggang sa naramdaman ko na lang ang malambot na labi ng taong mahal ko.
BINABASA MO ANG
INSTANT MOMMY SI NBSB
RomanceNagsimula ang lahat dahil sa isang pagkakamali, at nagbunga ito, hindi ako handa at mas lalong hindi rin sya handa, pero bakit ako kinaya ko ang responsibilidad at kahit mahirap binuhay ko ang bunga ng pagkakamali namin, aaminin kong una akong nagka...