PROLOGUE
Naniniwala ka ba sa kasabihang….”FIRST love NEVER dies”???
Siguro, pag siya ang una mong minahal, magiging parang pako to na babaon sa utak mo at iki-keep ng puso mo forever, pero pag pumangit na ang relasyon niyo, gusto mo ng isumpa yung nagsabi niyan at patayin siya ng paulit ulit!
Diba totoo naman? Minsan pa nga, naiisip natin……
“Kung patayin ko kaya yung First love na yan para lang mapatunayan na di totoo yang pesteng kasabihan na yan!!”
At minsan, gusto pa talagang totohanin.
Ako, naka-relate ako.
Isa lang naman kasi ako sa mga taong gustong patayin si first love dahil ginugulo na niya ang present ko! Past nga siya diba? PAST! EX! Hindi na dapat umEXena pa!
Gusto niyo malaman kung bakit?
Haynakoo. Ie-explain ko sa inyo.
Ako nga pala si Akira Saavedra. Call me Kiya for short. Very kontrabida ako sa first love never dies na idea na yan. Kase para sakin,
First love SHOULD die!
Hahayaan ko kayong malaman ang story ng buhay ko.
Ito, ang buong kwento :DD
![](https://img.wattpad.com/cover/849281-288-k149254.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Dakilang EX (ongoing series)
Teen FictionKapag nagmahal ka, tapos nasaktan ka, willing ka pa ba magmahal ule at magmahal ng iba? Kung sa tingin mo, may nararamdaman ka pa para sa nauna? :D