Chapter 8

110 3 0
                                    

JUSTIN'S POV

Nagulat ako kay Kiya. Di ko akalaing ganun pala siya magalit. 

Natakot ako. 

Pero natuwa ako bigla. 

Unang pumasok sa isip ko, 

Kakaiba tong babaeng to. Lakas ng fighting spirit. Lalaban kahit lalaki pa. 

Kung tutuusin parang ang laki ng galit niya sa mundo, But still she remains so sweet. 

Nakakatuwa talaga siya. 

Kakaiba na nararamdaman ko sa babaeng to ee. 

Kahit bago pa lang kaming magkakilala, agad siyang napalapit sa akin. 

Tignan ko lang siya, natutuwa na agad ako. 

Nakakaaliw siya. 

Parang ang sarap niya mahalin. 

Well, hindi ko pa siya mahal. Take note a? PA? Mamahalin ko pa lang siya. That's for sure. 

Siguro ngayon, crush lang muna. 

Crush ko si Kiya :) 

Nag breakdown si Kiya. Nataranta ako. Nagmadali akong idala siya sa clinic. Baka kung ano ng nangyari sa kanya. 

Kaasar! First time kong nataranta dahil sa isang babae. Pramis! Pati sa firstlove ko. Hindi ako nagkaganito. Kay Kiya alng. 

Kay Kiya lang talaga. 

Siya na siguro ang hinahanap ko. 

Siya na siguro ang......

THE ONE KO <3 

Nag aantay lang ako sa clinic. Tinititigan ko siya habang natutulog. 

Ang ganda niya. 

Siguro kulang ng isang angel ang langit dahil andito si Kiya sa tabi ko. 

Bumabaduy ba? Ahaha.Wala akong pakealam. Ganyan naman talaga diba? Pag tunay kang nagmamahal. 

Wala sa kung baduy ka o cool. 

Kung mayaman ka o mahirap. 

Kung pangit ka o gwapo. 

Andun yun sa nararamdaman ng puso. 

At kung yung nararamdaman mong yun ay sapat para malaman mong nagmamahal ka nga talaga ng totoo :) 

Bigla ng nagising si Kiya. 

Diyos ko po! Maraming salamat! 

"Justin. Anong nangyari?"

"Nag breakdown ka kanina. wag ka na lang mag alala. Magpahinga ka na lang ok? "

"Si Rick. Kailangan naming magtuos."

"Pwede ba? Tama na. Yang sarili mo ang alalahanin mo. tama na muna. Kakausapin ko na lang muna si Rick. Susubukan ko."

"Justin. Thank you" pagkasabi ni Kiya, niyakap niya ako.

Nagulat ako. Niyakap niya ako.

Parang gusto kong mag party sa sobrang saya. 

Niyakap ako ni kiya! 

Ok. Di ko na siya crush. 

Mahal ko na siya. 

OO, masyadong mabilis. Pero seryoso ako sa nararamdaman ko. 

Mahal ko si Kiya. 

Mahal ko talaga siya. 

AKIRA'S POV 

Niyakap ko si justin. 

Ewan ko kung bakit ko yun ginawa. Pero feeling ko kasi kailangan ko talaga ng yakap ngayon. 

Para kasing ang hina ko. 

Parang di ko mahirap tong problema ko mag isa. 

At nung nasa tabi ko si Justin, nalaman kong may kasama pala talaga ako. 

Natutuwa lang talaga ako sa kanya because he reminds me a lot of......... you know na. 

"Justin. Ok na ako. tara na. ayoko na dito."

"Ok. Lika na. Hatid na kita sa inyo."

"Salamat. ngumiti na lang ako. 

Naglakad na kami pauwi ni justin. 

Nakatitig siya sa akin. Kakaiba. 

Yung titig niyang yun, parang may laman at gustong sabihin. 

Ganun kasi pagtitig sa aking ni Marion nun. 

Feeling ko talaga, may something yung dalawa. 

Hindi ako sure. feel ko lang. 

Somehow, connected si justin at marion. 

Tama kaya theory ko? O baka nag hi-histerical lang ako? 

After 10 minutes, nakarating na kami sa tapat ng bahay. 

Nakatayo lang kami ni Justin sa may gate. 

Parang may inaantay na mangyari o marinig. 

Then Justin broke the ice. 

"Akira. alam ko it's only been two days. but the truth is, i like you. and gusto ko lang is mabigyan tayong dalawa ng chance. Just to know each other better and alam mo na"

"Ah."

"AY. Sorry. siguro nagulat ka. sorry a? Kalimutan mo na lang yung sinabi ko. Sige una na ako. Ingat!"

Nagmadaling umalis si Justin. 

Akala niya ata di ko siya gusto. Aw! Justin hindi. Sorry at ganun reaction ko.c

Ang tanga ko. Umiral nanaman ang katangahan ko. The fck Akira! Anong ginawa mo?! Amp! 

Shit. Galit ata si Justin sa akin. Tinext ko na lang siya. 

To: Mr. Crush

Justin, sorry kanina at ganun ang reaction ko. 

Ang totoo, i like you too. 

Bigyan natin ng chance 'to. Goodnight! 

30 minutes, nag antay ako ng reply niya. Pero wala talaga ee. So natulog na lang ako. Sana bukas maging ok kami. 

11 a.m. na. 

Hindi parin maalis sa isip ko yung sinabi ni Justin. 

Oo gusto ko na din siya.

Pero may something parin na pumipigil sa akin para tuluyan siyang mahalin. 

Si Marion 

Tama. Si Marion nga. 

Ang hirap talagang buksan ang pusong magmahal ng bago kung meron paring tinitibok ito. 

EXena ka talaga Marion. 

Mahal parin talaga kita. 

-------------------------------------

Ishasa's note: 

Guys! Happy new year! 

Sana po nagustuhan niyo to kahit konti lang. Pavote lang po a? 

Pacomment lang may gusto. Salamat! 

Happy 2012! :))))

Ang Dakilang EX (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon