Chapter 6

107 3 0
                                    

Gabi na rin. 

Hirap ako matulog. Nasa isip ko parin si Justin.

Sino kaya yung girl na yun? Ano kayang itsura niya? Ba't kaya minahal siya nung dalawa? Gumamit ba siya ng gayuma? ganun ba siya ke-special at nakuha niya si Rick at Justin ng sabay? 

K! Dami ng tanong na bumabagabag sakin. Ang hirap isipin ee. Ang weird. Kakaiba talaga. nahihiya naman kase ako magtanong kay justin dahil bago lang kaming makakilala. 

Pero infareness aa, ang dali niyang pakisamahan. Parang si Marion lang. 

Almost everything about Justin reminds me of Marion. Yung way nila ng pag ngiti, yung pagtingin nila sa akin. Parang ang laki ng pagkaka-pareho nila. 

Ang weird talaga. Ano kayang meron sa dalawang yun? 

Anong meron kay Marion? 

Anong meron kay Justin? 

May konek kaya yung dalawa? 

Di ako mapalagay ee. 

Parang kase may koneksyon yung dalawa. May something talaga akong nararamdaman. Minsan nga naiisip ko, baka naman robot to na ginawa ni Marion para sa akin. 

Para alagaan ako habang di pa siya bumabalik. 

Bumalik. 

Babalik pa kaya siya? 

Posible pa bang maging akin ule si ex? 

May gf daw siya, di ko naman kilala kung sino. Kilala ni Deya pero di ko na inalam pa. Mas amsakit kasi diba? 

Masakit. Masakit talaga. 

Hindi ba, pag nakikita natin yung ex natin na may kasamang iba, todo lait tayo sa kasama niya. 

hindi naman dapat, pero andun parin yung feeling of INSECURITY. 

SELOS. 

GALIT. 

LUNGKOT. 

At ang pagbalik sa atin ng memories. 

Naiisip naman natin tong mga to diba? 

Aminin na natin. 

We are hurt whenever we see the one we love or loved happy with another person. There's still a pang of pain which comes back to us and is very hard to be healed. 

Our heart bleeds as sadness and pain rises. 

Sometimes, a broken heart means suicide. 

1 Message Received 

From: 09*********

Hi miss ganda! :) 

-Justin 

Nagulat ako pagkabasa ko nun. Nasa gitna ako ng pag e-emote ako, umeksena naman tong text na to. 

Akala ko istorbo pero nung pagkabasa ko ng text, si Justin pala. 

Dali-dali akong nagreply. 

Di ko namalayang nahulog na pala ako sa kama ko. 

Ang lakas ng tama ko sa Justin na to. XD 

To: 09*********

Justin. Ikaw pala. Hi! :) 

Paano mo nakuha number ko? 

10 minutes na ang lumilipas pero di pa nagrereply si Justin. Siguro nakatulog na. Pero siyempre dahil di ako mapakali, inantay kong magreply siya. ^^ 

Ang Dakilang EX (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon