Chapter 10

100 2 0
                                    

Si Akira. Di siya mawala sa isip ko. 

Since nung nangyari kahapon, wala na akong balita sa kanya. 

Di siya nagparamdam kahapon. Triny ko siyang silipin sa labas ng bahay nila kanina pero di siya sumisilip.

Dumeretso na lang ako ng school pero di muna ako pumasok. Inaantay ko siya.  Ayoko kase mawalan ng pag asa na papasok siya. Namimiss ko siya ee. 

-------------------------------

Lumipas ang 30 minutes, wala talaga si Akira. Mas pinili kong di pumasok ng algebra. Alam ko naman wala akong matututunan. Dumeretso na lang ako ng 2nd subject. Nag antay na lang ako.

Maya-maya rin, nag start na yung klase. Dada ng dada si Ma'am Brionnes pero wala ako sa mood makinig. As usual, si Kiya nanaman nasa isip ko. 

Ano kayang meron dun? Si deya lang naman ang nakita niya kahapon diba? Atsaka si rick lang ang alam kong kakilala pa niya besides deya. 

Napaka-clueless ko naman sa nangyayari. 

Ano ba kasing meron? 

Napakahirap i-connect ang dots pag hindi kumpleto! 

Gusto  ko talagang malaman kung ano bang nangyayari. 

Bat ba nagkaganun si Kiya nung nakita niya si deya, rick at dalawa pa nilang kasama? 

Si Sabrina, bat kaya umiiyak siya nun 

Ang gulo! 

By the way, Si Sabrina. Si Sabrina yung ex ko. Ay ex ni rick. 

Mali. I-rephrase ko. 

Ex namin ni Rick. 

Siya yung babaeng nang-gago saming dalawa pero nakakagulat, mahal parin siya ni rick. 

Pero di ko maintindihan. 

May iba ring lalaking kasama si Sabrina nun. 

Ang gulo! 

Umiral nanaman siguro kalandian ng babaeng yun. Haitz! 

Di pa siya natuto. 

May taning na nga ang buhay, mang ga-gago pa ng tao. 

Bat kase may mga babaeng malalandi? Asar! 

Ayoko ng malalandi. Ayoko talaga. Napaka inappropriate naman kasi nun ee. 

Parang summer ang mga babaeng malalandi ee...

Walang class. Walang pinag aralan. 

siguro iniisip niyo bakla ako noh? Dahil nag ja-judge ako ng ganyan. 

Actually, hindi. I'm not a gay. and I will never be a gay. Sayang naman ang kagwapuhan ko kung lalaki lang ang makikinabang.

Sapat na si Piolo Pascual. XD 

Pero sa totoo lang, mas irerespeto ko pa ang mga bakla kesa sa mga babaeng malalandi. Di kasi alam lumugar. Sana kasi walang ganun. Pero mabawasan ang masasama sa mundo. 

Ok. Angel effect Justin. ^^ 

"Justin."

"Justin!" 

"Justin!!!"

"Akira! ha? ano? Ahm, anu un?"

"Daydreaming ba pare? lunch na ho!"

"Ah. sige-sge"

Lunch na pala. Di ko namalayan. Buti na lang at umeksena tong classmate ko dahil kung hindi, naiwan na akong mag isa sa room. 

Ang Dakilang EX (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon