Tuesday morning.
Dinalian ko ng magbihis kumain at magready for school.
Alam kong di darating si Deya kaya nauna ako.
Papasok kaya siya ngayon? Hm.
Palabas na ako ng bahay then biglang may kumalabit sa akin.
"Akira."
Nagulat ako.
Si Marion pala.
"M-m-m-m-Marion. "
"Akira. i'm sorry. sorry talaga. Alam ko naguguluhan ka, pati ako naguguluhan din. but i'll explain everything ok? baby i'm sorry. iloveyou"
"Ah."
Hinila niya ako papalapit sa kanya at biglang niyakap.
Naramdaman ko nanaman na tumulo ang luha ko.
Yung yakap na yun, ang tagal ko ng hinanap.
Namiss mo to. sobra. Parang ayaw ko ng magkahiwalay pa ulet kami.
Pero bigla niya akong binitawan. Tapos tumakbo siya papalayo.
Nakatitig lang ako sa kanya nung paalis na siya.
Natuwa ako.
Nalungkot ako.
Dumadalas talaga ang mixed emotions ko.
Nag uumpisa nanaman akong atakihin ng sibuyas. (umiyak)
Mahal niya parin ako.
Mahal niya parin ako.
Tumigil ang pagtulo ng luha ko. at bigla akong napangiti.
I have no idea on what's going on.
But something tells me that everything will be allright.
Then i found myself smiling.
Pareho pala kami ng nararamdaman.
All this time, my first love still loves me.
Kahit papano, nabigyan ako ng konting pag asa.
Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko patungong school.
Nasa may gate na ako, at may nakita nanaman ako.
Sadyang gumaganda ang araw na to.
Nakita ko si Justin na nag aabang.
Tapos, nilapitan niya ako.
"Akira. Goodmorning. Tagal mo aa. Kanina pa kita inaantay. Sabay na tayo pataas?"
"Ah? Eh goodmorning din. inantay mo pala ako. sorry adi ko naman kase alam. Bka malate ka pa tuloy ng dahil sakin. Tara na?"
"Ok lang. Basta para sayo. tara then."
Ilang saglit lang, nakarating na kami sa room. Magkatabi din kami ng seat. Ruiz, tapos Saavedra. Ang cool talaga.
As usual, wala akong naintindihan sa lesson namin.
First period kasi namin e algebra. Waterloo ko talaga ang math. Ang dami-daming problema na wala namang kinalaman sa buhay. At higit sa lahat, hinahanp si X, Kaasar! Hilig talaga umEXena ee. Amp!
Nakangiti na pala ako ng mag isa. Pero di ko na pinansin.
Si Deya parin nasa isip ko ee.
Di siya pumasok. Di ko na alam nangyari sa kanya. Sana ok lang siya.
*riiing......riiing...*
Nag bell na. Lunch nanaman. Wala si Deya na kasabay ko. Buti na lang at meron tong si Justin kundi lonely na ako.
"Ahm Justin. Si rick. asan?"
"Ha? Ewanko ee. Nasa bar daw. Yun ang sabi ng mga kabanda niya sakin kanina."
"Bar? Bat kaya? Hm."
"Ayun yung ibang members ng BEATS oh! Teka tawagin ko."
"Bitwelas! Beats! Likayo dito.Magtatanong lang"
Bitwelas? natawa ako dun aa. adik rin tong si Justin ee.
"Tol, hi. bakit? Ano yun?"
Nagsalita naman yung drummer ng banda nila.
"Pre. Eto si Akira. yung bestpren ng gf ni Rick. Akira. to pala si Jake. jake yu."
"Ah. Eh. Nice meeting you Jake."
"Same!" sabay ngiti niya. Ang gwapo niya rin oh. Huwaw!
"Ano pala tanong mo?"
Yung tanong. Hala! Oo pala? Ano nanaman kase yun?Sht. utak gumana ka!
"Ah. Eh ano. eh ano. eh. Asan si Rick?"
"Si rick? Naglalasing. Nakipagbreak kase kay deya ng dahil sa ex niya. hilig umeksena ng mga ex noh? Asar!"
Ex nanaman?! Ampf! Bat kase may ex pa?! Hndi ba pwedeng pa nagbreak kayo ee ma-erase na siya sa mundo?! Siya pang attention getter oh!
"Ah."
fine. Ako na! Ako na naman ang natahimik. Ex ex pa kasing nalalaman ee. Matay na sila! Matay na!
"Kiya. Bakit? Kamusta pala si Deya? For sure naman siguro namromroblema yun dahil kay rick. sorry a? Kami na humihingi ng dispensa para sa kagaguhan ni rick. so, ano na bang nangyari kay deya?" agad na sabi ni Jake.
Naiiyak na pala ako sa sobrang galit. di ko na napigilan sarili kong magsalita at magalit.
"Si deya?! Ewanko! Di ko na alam nangyari sa kanya! Kasalanan to ni rick ee! May gf na siya! Si deya! Bat kailangan nya pang balikan yung ex niya?! Ex nga dba?! Ex! Sino ba kasi yang ex niyang yan?! Iharap niyo sa akin si rick! Magtutuos kami! Ang kapal ng muka niyang saktan si deya! Babalatan ko siya ng buhay! Asn siya?! Iharap niyo!"
Nagwawala na pala ako. Nakatingin sa akin lahat ng tao. Pero di ko na sila ininda dahil galit na galit na talaga ako. Sinusumpa ko na talaga ang lahat ng ex sa mundo!
"Kiya! Please tama na. Please.
Tina-try akong ikalma ni Justin pero di ko magawa.
Sinumpong nanaman ako ng kagaguhan ko.
Bigla na lang akong di makahinga.
Di ko na alam yung nangyari.
Bigla akong binuhat ni Justin at itinakbo.
Ang labo na ng paningin ko nun.
Di ko namalayan, nakatulog na pala ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/849281-288-k149254.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Dakilang EX (ongoing series)
Genç KurguKapag nagmahal ka, tapos nasaktan ka, willing ka pa ba magmahal ule at magmahal ng iba? Kung sa tingin mo, may nararamdaman ka pa para sa nauna? :D