Chapter 14

101 2 2
                                    

JUSTIN'S POV

Nagyaya si Rick na mag dinner, mukang gumawa nanaman yun ng surpresa para kay Andrea. Ganun naman talaga siya ee, kaya swerteng mga nagiging gf niya. Aaminin ko, mas wagas si Rick magmahal kesa sa akin, pero sisiguraduhin ko na magiging ganun ako o higit pa para kay akira.

Tinanggihan kong sumama kina Rick. Mag se-seven na din naman pala kaya kailangan ko ng ihatid si Kiya. Dun rin ako mag di-dinner sa bahay nila. Muntik ko makalimutan na nag invite ang lolo nya. siyempre sisipot ako, kailangan makilala na ako ng future lolo ko ahaha! 

Naglakad na kami ni Akira, saktong 7 e nakarating na kami. Pumasok kami sa loob, at tulad ng ineexpect ko, nagluto ang lolo niya. 

"Ala siyete na. Tamang tama dating niyo. Kain na tayo"

"Wow naman lo, nag abala ka pa. Jus, kain na tayo. Lika"

"Ang bango naman po lo. opo"

"Kain lang kayong mabuti, may aayusin lang ako sa kusina sandali at susunod na din ako"

"Tulungan ko na po kayo lo" sabi ko naman

"Osige. Halika dito apo"

Dali akong sumunod sa kusina habang kumakain si Akira. Pinabuhat sa akin ni lolo yung isang box ng pagkain dun, then pinalagay sa ref. 

Halos puro baking ingredients ang andon, at silang dalawa lang naman sa bahay, Buti at hindi sumasakit lalamunan nina lolo at kiya sa sobrang dami nito. May chocolates pa, tapos candies. Prang batang prinsesa ang gf ko dito. Dapat pala mas sagadin ko pa ang effort ko.

"Apo, anong trabaho ng mga magulang mo?"

"Hindi po kasal mama at papa ko lo. Si mama accountant" 

"Hindi kasal? Bakit?"

"Lo, tatlo po kaming anak ng papa ko, magkakaibang ina"

"Ganun ba? Sensya na apo"

"Ok lang po" tapos ngumiti ako. 

Maya maya ay bumalik na din kami sa hapag kainan, kumakain parin ang prinsesa ko. Nakakatuwa siyang panuorin. Abot tenga tuloy ngiti ko. 

 Kumain lang kami nun, tapos kwentuhan. Tawa kami ng tuwa, ang daldal ng babe ko. Parang ayoko na tuloy umalis pa dito. 

Mga 10 p.m. na rin kami natapos, tinulungan ko na si lolo sa pag aayos. Si Akira naman, may kinuha sa kwarto niya saglit. Naiwan tuloy ule kami ni lolo Steve. 

Nagkwento ule si lolo sakin ng mga bagay bagay. pati yung pagkamatay ng mama ni Akira nung pinanganak siya. Tapos balak niya din daw akong ipakilala sa papa ni Akira pag uwi nito galing London. Bigla naman ankong kinabahan nito. 

"Lo, gabi na. Baka hinahanap na si justin" biglang sulpot ni akira 

"ay. oo nga pala iho. Pasensya ka na a?"

"Ok lang po lo. Para yun lang. Naenjoy ko po. Thanyou"

"Osige. balik ka a?"

"Opo!"

"Osige. Akira hatid mo na siya sa labas"

"Opo lo"

Nag ngitian na lang kami ni lolo tapos dumeretso na ako sa labas kasama si Akira. 

Ngiti lang siya sa akin. Tapos nginitian ko rin siya. 

"Oh, gabi na. Pakisabi kay tita pasensya na at ginabi ka ng uwi dahil sakin a?"

"Babe naman, ok lang yun" tapos hinawakan ko kamay niya 

"Go ka na then. Ingat ka ok?" sabay kiniss niya ang cheek ko. 

Ang Dakilang EX (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon