chapter 1- meet in the bar

48 0 1
                                    

Chapter 1
Meet in the bar

Abegail 's POV

Andito  ako ngayon sa isang bar.

Maingay. Amoy alak at sigarilyo. At lalong Lalo na madilim at maraming kababalaghan na nangyayari na Hindi dapat makita ng mga inosente. *smirk*

"oh abby.. Tulala ka diyan! " sigaw ni Natalie sakin . Isa siya sa mga kaibigan ko.

" wala! May iniisip lang ako! "sigaw ko din pabalik. Hindi na kasi kami magkarinigan eh.. Masyadong maingay.

" ano!? Yung break up niyo ng ex mo!? " tanong naman niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Talagang nangiinis lang?

Pero sabagay tama naman siya eh.. Iniisip ko nga yung break up namin ni James. Siya yung ex ko na walang ibang ginawa kundi ang paglaruan ako!!  Kaasar.. Hindi niya ba nakikitang nasasaktan ako sa mga pinaggagagawa niya?!?

Dahil sa ginawa niya ito ako ngayon nagiinoman.  Kaasar talaga siya eh!!  Galit ako sakanya!!!!

Lumagok ulit ako ng alak na nasa harapan ko dahil sa pagiisip ng mga ginawa niya.

Hindi na ako kinausap ni Natalie.  At kahit na kausapin niya ako hindi din naman ako sasagot.

Tuloy tuloy lang ako sa paginom hanggang sa biglang may lumapit saamin na lalaki.

"miss, pwede ka bang makasayaw? " tanong niya saakin.

Tumingin ako sa mga kasama ko.

" go ahead. You are free tonight because he let you free" nakangising sabi ng babaeta.

Tumayo ako at sumama sa lalaki.

Nakipagsayaw sayaw ako sakanya.

Kanina nakahawak lang siya sa bewang ko hanggang sa bumaba pa ito.

aba bastos to ah.

tinulak ko siya dahil sa ginawa niya.

"bat mo ko tinulak!?" galit na tanong niya.

aba't siya pa ngayon ang may karapatang magalit eh siya na nga tong humawak sa...grrr..basta..

"bastos!!!" sigaw ko sakanya bago siya sinampal at magwalk out

pero bago pa ako makaalis sa sa harap niya ay kinuha niya ang braso ko.

"wag ka na ngang pakipot..alam ko naman na gusto mo din yung ginawa ko sayo eh" bulong niya sakin.

what did he say?

anong gusto ko ang ginagawa niya.

ang kapal ah

"wag masyadong assuming kuya..baka makarma ka!" sigaw ko sa tapat ng mukha niya sabay tangkang alisin ang kamay niya sa braso ko pero wala masyado padin siyang malakas.

"bitawan mo nga ako!!!" sigaw ko sakanya.

ayaw akong bitawan eh..

napakagat ako labi ng hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak sa kamay ko.

"masyado ka pa kasing pakipot eh" sabi niya at inilapit ako sakanya .

A SECRET AGENT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon