Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Saying, “If you see this guy can you tell him where I am?”~*~
JUNGKOOK
“Thank you for trusting our Airlines! Hope to see you again soon! Welcome to Manila!”
Its been a year since I leave this country. Marami ng nagbago. Marami ng nangyari. Pero hindi ko pa rin siya nakakalimutan.
Asan ka na kaya?
Naaalala mo pa kaya ako?
Bumuntong hininga ako at tuluyang lumabas ng airport.
Pinikit ko ang mga mata ko para damhin ang hangin na nalalanghap ko.
Napaisip ako at kusang ngumisi, “Walang duda, nasa Pinas na nga ako.”
Pumara ako ng taxi. Uuwi na ako samin. Namimiss ko na ang pamilya ko.
Namimiss ko na din siya.
Doon pa rin kaya sila nakatira sa tapat ng bahay namin?
Ganun pa rin kaya ang itsura nya?
Napatawa nalang ako ng sumagi sa isip ko ang gwapo niyang mukha na nakangiti sa akin na halos hindi na maaninag ang mga mata niya.
“Sir, saan po tayo?” tanong ng Taxi driver sa akin.
Agad ko naman siyang sinagot at sinabi kung saan ang address ko.
Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa bahay namin.
Tumingin ako sa katapat na bahay at hindi nga ako nagkamali.
Doon pa rin sila nakatira.
Doon pa rin siya nakatira.
Gusto ko siyang sorpresahin sa pagbabalik ko, kaya naman pababa na sana ako ng taxi ng biglang may lumapit sakaniya na lalaki.
Aray...
Niyakap siya ng lalaki at sabay silang pumasok sa loob ng kanilang bahay.
Masigla din silang binati ng kaniyang ina.
Ganun nalang ba kadali talaga akong kalimutan?
Na siya masaya na sa iba habang ako patuloy pa rin siyang minamahal?
Bakit hindi patas ang mundo?
“Bakit ba hindi kita magawang kalimutan, Jimin?”
~*~
A6UST_D
date updated: 160820

BINABASA MO ANG
the man who can't be moved » jjk x pjm (jikook)
Fanfiction"how can i move on when i'm still inlove with you?" [ bangtan series #1 ] All Rights Reserved © 2016 -wingsyub-